Kuya Kim, agad raw kinausap si Vice Ganda matapos ang kanyang post na na misinterpret ng mga tao

Kuya Kim, agad raw kinausap si Vice Ganda matapos ang kanyang post na na misinterpret ng mga tao

- Agad daw kinausap ni Kuya Kim Atienza si Vice Ganda sa kasagsagan ng isyu tungkol sa kanyang post

- Matatandaang nag-post si Kim kung saan inihayag niya ang suporta kay Karylle nang magkaroon ng isyu tungkol kina Vice at Karylle

- Paliwanag ni Kim, nalagyan ng lang ibang kulay ang kanyang post ngunit wala siyang ibang sabihin doon

- Dahil sa nangyari ay mas naging maingat daw si Kuya Kim sa kanyang post lalo na sa X

Sa isang eksklusibong panayam kay Ogie Diaz, ibinahagi ni Kim Atienza na agad niyang kinausap si Vice Ganda upang linawin ang kontrobersya matapos ang kanyang post na nabigyan ng ibang kulay.

Kuya Kim, agad raw kinausap si Vice Ganda matapos ang kanyang post na na misinterpret ng mga tao
Kuya Kim, agad raw kinausap si Vice Ganda matapos ang kanyang post na na misinterpret ng mga tao
Source: Youtube

Matatandaang nag-post si Kuya Kim kung saan ipinahayag niya ang kanyang suporta kay Karylle sa gitna ng mga isyu na kinasasangkutan nila Vice at Karylle na talaga namang pinag-usapan.

Sa paliwanag ni Kim, iginiit niya na walang ibang kahulugan ang kanyang post kundi ang pagpapahalaga at suporta kay Karylle. Naipaliwanag din niya na ang pagkakaroon ng maling interpretasyon ng mga tao ay dulot lamang ng pagiging sensitibo ng marami.

Read also

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

Dahil sa nangyari, mas naging maingat si Kuya Kim sa kanyang mga pahayag, partikular na sa mga sensitibong usapin gaya ng nangyaring kontrobersya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kim Atienza o mas kilala sa bansag na Kuya Kim ay isang host, actor, weather anchor at isang dating politician. Siya ay dating napanood bilang weather anchor ng TV Patrol segment na Weather-Weather lang.

Matatandaang nagkataong nasa Itaewon, South Korea si Kuya Kim nang maganap ang stampede. Naibalita niya ang tungkol sa pangyayari at napakita niya ang naging bakas ng trahedya. 151 ang nasawi sa trahedya at karamihan sa mga ito ay nasa edad 20 pababa. Kabilang sa mga ito ay 17 na banyaga. Bunsod ng trahedya, dineklarang national day of mourning sa South Korea ang October 30.

Kabilang si Kuya Kim sa mga pinasalamatan ni Vice Ganda nang magbigay ito ng pahayag sa pagdiriwang nila ng ika-13 taon ng It's Showtime. Sa kanyang pahayag ay pinasalamatan ni Vice ang mga taong unang nagtaguyod ng show na kinabilangan ng mga direktor at dating mga host na kanilang nakatampuhan. Matatandaang naging usap-usapan ang paglipat ng ilan sa mga hosts at direktor ng It's Showtime.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate