Alex Gonzaga, naging OFW for a day sa Hong Kong sa kanyang vlog

Alex Gonzaga, naging OFW for a day sa Hong Kong sa kanyang vlog

- Sinubukan ni Alex Gonzaga na maging isang OFW sa Hong Kong sa loob ng isang araw

- Sa kanyang pinakabagong vlog, dumaan siya sa agency upang makahanap ng employer na may OFW na helper at papayag sa kanyang vlog

- Sinubukan ni Alex na gawin ang mga gawaing bahay kabilang ang paghuhugas ng plato, paglilinis, pagsasampay, pagsundo at hatid sa alaga sa paaralan nito at pagluluto

-Ipinahayag sin ni Alex ang kanyang pagpapahalaga sa mga OFW at sana raw ay mas makamusta ng mga pamilyang naiwan sa Pilipinas ang kanilang mahal sa buhay na OFW upang mapagaan ang kanilang kalungkutan

Sinubukan ni Alex Gonzaga na maging isang OFW sa Hong Kong sa loob ng isang araw para sa kanyang pinakabagong vlog. Dumaan siya sa isang agency upang makahanap ng employer na may OFW na helper at pumayag na isama siya sa vlog.

Read also

Ryan Bang, ibinida ang video ng pagkikita ng magulang nila ng girlfriend

Alex Gonzaga, naging OFW for a day sa Hong Kong sa kanyang vlog
Alex Gonzaga, naging OFW for a day sa Hong Kong sa kanyang vlog
Source: Youtube

Sa kanyang vlog, sinubukan ni Alex na gawin ang mga pang-araw-araw na gawaing bahay ng isang OFW. Kasama dito ang paghuhugas ng plato, paglilinis ng bahay, pagsasampay ng mga damit, pagsundo at paghatid sa alaga sa paaralan, at pagluluto ng pagkain.

Ipinahayag din ni Alex ang kanyang malalim na pagpapahalaga sa mga OFW at ang sakripisyo nilang malayo sa kanilang mga pamilya. Ayon sa kanya, sana raw ay mas madalas na kamustahin ng mga pamilyang naiwan sa Pilipinas ang kanilang mga mahal sa buhay na OFW upang mapagaan ang kanilang kalungkutan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Lovely Abella, pina-cancel ang flight; hindi kinayang malayo sa anak

Binahagi ni Alex Gonzaga ang screenshot ng naging komento ni Sen. Loren Legarda sa kanyang post na kanya ding sinagot. Sa kanyang 'Mareng Mar' na video na binahagi, napakomento si Sen. Loren kung saan natanong niya si Alex kung ano ang ginagawa nito. Sinagot ito ni Alex na lumaki daw siya sa farm at titingnan daw niya kung manggigigil din si Sen. Loren sa sagot niya. Natawa naman ang senadora sa sagot na ito ni Alex at sinagot ito ng laughing emoji.

Kamakailan ay ibinida ni Alex ang kanyang todo-effort na video upang maaliw ang pamangkin niyang si Polly na tuwang-tuwa sa American YouTuber na si Ms. Rachel. Kaya naman, sa kanyang video ay sinubukan niyang gayahin si Ms. Rachel ngunit tila hindi pa rin naaliw si Polly. Ani Alex, fail ang kanyang effort pero gayunpaman marami ang naaliw at natuwa sa kanyang pagiging mapagmahal na tita. Pinakita pa ni Alex ang pinagkaiba ng reaksiyon ng pamangkin nang panuorin siya at si Ms. Rachel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel