Diwata, nag-ikot at namigay ng biyaya sa mga nadaanan sa Pasay

Diwata, nag-ikot at namigay ng biyaya sa mga nadaanan sa Pasay

- Nag-ikot si Diwata para mamigay ng biyaya sa ilang madadaanang taga Pasay

- Nasa 50 katao ang umano'y nabiyayaan ni Diwata at nangakong babalik sa mga hindi nabigyan

- Natuwa umano si Diwata sa pamimigay na ginagawa at patuloy niya umano itong gagawin

- Matatandaang kamakailan, nagbukas na ang ikalawang branch ng kanyang Diwata Pares Overload na matatagpuan sa Quezon City

Sa pinakabagong vlog ni Diwata, ipinakita ni Diwata ang pamamahagi niya ng biyaya sa kapwa.

Diwata, nag-ikot at namigay ng biyaya sa mga madadaanan sa Pasay
Diwata, nag-ikot at namigay ng biyaya sa mga madadaanan sa Pasay (Diwata Pares Overload Official Account)
Source: Youtube

Naghanda siya ng 50 servings ng kanyang Pares Overload at ipinamigay sa mga madaraanan sa Pasay City.

Makikita ang tuwa sa mga mata ng kanyang mga nabigyan. Hindi lamang sa pagkaing handog ni Diwata kundi dahil nakita umano nila ang kilalang online personality.

"Hangga't kaya ko, gagawa naman tayo ng paraan para makatulong sa kanila," ani Diwata.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Ama ng triplets na panauhin ng Toni Talks, emosyonal sa kanyang Father's Day post

Hiling niyang magkaroon pa siya ng mga sponsors na makakatuwang sa pamamahaging ito na balak niyang gawin na madalas.

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa Diwata Pares Overload Official Account YouTube:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Sa isang post ni Rosmar Tan, todo puri niya si Diwata na masarap umanong tulungan dahil hindi raw ito abusado. Matatandaang ang CEO na si Rosmar ang sinasabing may pinakamalaking naibahaging biyaya kay Diwata na umabot ng milyon-milyon ang halaga.

Hindi naman nalalayo ang naging komento ng respetadong aktor at direktor na si Coco Martin na hanga umano kay Diwata na aniya'y masarap tulungan dahil sa pagiging likas din nitong kabaitan. Sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN, naikwento ni Coco kung paano niya nakuha si Diwata upang maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo. Bagama't kabado sa umpisa, kinakitaan niya ito ng dedikasyon at determinasyon dahilan para maging regular na umano ito sa naturang serye na tulad ng pares ni Diwata ay pinakaaabangan din ng marami.

Read also

Diwata, ibinida ang kanyang bonggang outfit para sa pagrampa niya sa sagala sa Malabon

Samantala, Dinagsa ng marami ang grand opening ng Diwata Pares Overload branch sa Quezon City. Ibinahagi ni Diwata ang mga kaganapan bago pa man magsimula ang munting programa sa pagbubukas ng nasabing branch. Ipinasilip din niya ang mga bago sa menu ng Diwata Pares Overload. ilan sa mga ito ay 'Diwata Sokoleyt overload', 'Diwata Hotdog Overload', 'Diwata Family Siken' at 'Diwata Spagiti Overload'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel