Ai-Ai Delas Alas, naaalala si Jiro Manio tuwing makikita ang larawan ni Madonna

Ai-Ai Delas Alas, naaalala si Jiro Manio tuwing makikita ang larawan ni Madonna

- Naikwento ng 'Queen of comedy' na si Ai-Ai Delas Alas bakit naaalala si Jiro Manio tuwing makikita si "Madonna"

- Matatandaang ang 'Queen of comedy' ang tumatayong ina na rin ni Jiro

- Katunayan, maraming beses na itong tumulong sa dating child star tuwing 'di umano'y nasasangkot sa hindi kagandahang gawain

- Gayunpaman, masaya umano si Ai-Ai na makita at malaman ang pagbabago ni Jiro sa ngayon

Naisiwalat ng 'Comedy Queen' na si Ai-Ai Delas Alas ang isa sa mga hindi niya malilimutang pagtulong sa anak-anakan na si Jiro Manio.

Ai-Ai Delas Alas, naaalala si Jiro Manio tuwing makikita ang larawan ni Madonna
Ai-Ai Delas Alas ( AiAi Delas Alas FB)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nailahad ni Ai-Ai kung bakit naaalala niya si Jiro tuwing makakakita siya ng picture, poster o video ng iniidolong 'Queen of Pop' na si Madonna.

"Diyos ko, dati nga hindi na nga ako nakapanood ng concert ni Madonna. Alam mo ba 'yun? Nag-concert si Madonna dito. 'E yung ano niya, sa rehab niya Php 60,000 'yun. E si Madonna, Php 50,000 yung ano, ticket. Kulang pa ako ng Php10,000. 'Di nalang ako nanood. Binayad ko nalang 'dun sa ano," pagbabalik-tanaw ni Ai-Ai.

Read also

EXpecially for you, muling pinag-usapan sa hayagang sinabi ng ina ng searcher sa ex nito

"Kaya tuwing nakikita ko si Madonna, naaalala ko si Jiro."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Nakakainis... Tingnan mo hindi ko tuloy napanood si Madonna, idol na idol ko pa naman 'yun," dagdag pa niya.

Gayunpaman, masaya umano si Ai-Ai sa nakikita at nababalitaan niyang pagbabago kay Jiro na minsan na ring na-interview ni Julius Babao.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Julius Babao Unplugged YouTube channel:

Si Ai-Ai Delas Alas ay isang aktres at komedyante sa Pilipinas. Sa dami ng nagawa niyang pelikula, isa sa pinakatumatak na karakter niya ay bilang si Ina Montecillo sa serye ng pelikulang 'Ang Tanging Ina.' Sa nturang pelikula niya naging anak si Jiro Manio na maging sa totoong buhay ay trinato na niyang parang anak sa tulong na naibibigay nito sa dating aktor.

Read also

Kim Chiu, tinawag na 'queen of character development' ng kaibigang si Bela Padilla

Sa ngayon, sa Amerika na namamalagi si Ai-Ai kapiling ng mister na si Gerald Sibayan. Sa naturang interview rin sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Ai-Ai na bumabalik lamang siya sa bansa kung mayroon siyang proyektong gagawin. Tulad na lamang ng pagbabalik telebisyon ng 'The Clash' sa GMA.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, sinabing hanga umano siya sa disiplina ni Ai-Ai sa sarili maging sa pagkaing kinakain nito. Ayon kay Cristy, iyon umano ang pinakamagandang panuntunan sa buhay ng 'Queen of Comedy' ng Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel