Xian Lim, sakaling bigyan ng pagkakataong makatrabaho si Kim: "why not?"

Xian Lim, sakaling bigyan ng pagkakataong makatrabaho si Kim: "why not?"

- Muling nabanggit ni Xian Lim na maayos na natapos ang relasyon nila ni Kim Chiu

- Ito ay sa kabila ng espekulasyon at akusasyon ng na mga netizens sa kanya

- Katunayan, sakaling bibigyan umano siya ng pagkakataong makatrabaho si Kim, 'why not' ang kanyang naging kasagutan

- Matatandaang noong Disyembre ng nakaraang taon bago mag-Pasko, kinumpirma na ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan

"Why not?" ang naging kasagutan ni Xian Lim sakali mang mabigyan sila ng kanyang ex na si Kim Chiu na makatrabaho muli ang isa't isa.

Xian Lim, sakaling bigyan ng pagkakataong makatrabaho si Kim: "why not?"
Xian Lim and Kim Chiu (@xianlimm)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras, GMA Integrated News, muling nasabi ni Xian na maayos naman nilang tinapos ni Kim ang kanilang relasyon.

"We ended naman in good terms. Wala naman talaga kasi siyang... Of course, merong iyakan... We're people, tao kami. Of course, in time kung bibigyan kami ng pagkakataon na magkatrabaho ulit, why not?"

Read also

Dating Hashtag member na si Luke Condo nagbahagi ng opinyon sa Christine at Axel issue

Gayunpaman, ang labis niyang ikinabahala ay ang pagdamay pa ng ilang netizens sa kanyang mommy Mary Anne at sa kanyang lola.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, huwag na sanang idamay pa ang kanyang pamilya sa mga akusasyon ng ilan sa kanya.

"Sige, ako na yung tirahin nila, but not my family... Also, just giving a little context, nadadamay na rin kasi yung nanay ko, yung lola ko, they are getting personal messages."

Samantala, nang usisain naman ang estado ng kanyang love life ngayon, nais niya raw sana itong maging pribado na lamang.

"I'm saying this with all respect, I would like to keep my personal life, especially sa love... You know, private. Because it's just so hard. For 11, 12 years, that was an open book."

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras, GMA Integrated News YouTube:

Read also

Gerald Anderson, binalikan ang pagbigay ng bahay sa ina: "Inuna ko yun para sa nanay ko"

Si Alexander Xian Cruz Lim-Uy o mas kilala bilang si Xian Lim ay isang Filipino actor. Kasalukuyan siyang nasa ilalim ng GMA. Si Xian ang nakarelasyon ni Kim Chiu sa loob ng 12 taon.

Bago matapos ang taong 2023, gumulantang sa publiko ang hiwalayan ng KimXi. Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong ito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel