Xian, umalma sa mga umano'y nandamay sa pamilya niya sa hiwalayan nila ni Kim

Xian, umalma sa mga umano'y nandamay sa pamilya niya sa hiwalayan nila ni Kim

- Inalmahan ni Xian Lim ang umano'y pagdadamay sa kanyang pamilya ng hiwalayan nila ni Kim Chiu

- Aniya, siya na lamang ang puntiryahin ng netizens at huwag na sana ang kanyang ina at lola

- Hindi raw umano ito deserve ng kanyang pamilya at ayaw na niya sanang madamay pa ang mga ito

- Disyembre ng nakaraang taon 2023 nang kumpirmahin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang hiwalayan

Umalma si Xian Lim sa mga umano'y nandadamay pa sa kanyang pamilya kaugnay pa rin sa naging hiwalayan niya noon kay Kim Chiu.

Xian Lim, umalma sa pagdamay sa pamilya niya sa hiwalayan nila ni Kim
Xian Lim Kasama ang kanyang lola at Mommy Mary Anne (@xianlimm)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas ng GMA News, isa ito sa naihayag ni Xian.

"Sige, ako na yung tirahin nila, but not my family... Also, just giving a little context, nadadamay na rin kasi yung nanay ko, yung lola ko, they are getting personal messages. I am getting death threats, my mom is getting death threats... That's the gravity of the situation I am dealing with now. My family does not deserve that... All ...made-up lies. So, ayoko nang mandamay pa ng iba"

Read also

Xian Lim, sakaling bigyan ng pagkakataong makatrabaho si Kim: "why not?"

Ayon pa ni Xian, hindi niya umano deserve ang mga akusasyong ito lalo na't nakaaakpekto na rin ito sa tinatahak niyang karera sa showbiz.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I do not deserve the false accusations, the lies being spread. I work really hard. You know, we are all working really hard. I'm working so hard and I don't want to be defined by what happened with my breakup...With my previous relationship. I don't want to be defined by that. I don't want to be defined by what people are saying about me, these false headlines o kung anoman."

Muli niyang sinabi na maayos naman ang naging pagtatapos ng relasyon nila ni Kim.

"We really did explain from the bottom of our hearts kung ano talaga ang nangyari. Hindi na namin kailangan pa isa-isahin kung sino ang nagkulang because it's just like any other relationship"

Read also

Gerald Anderson sa pagpapakasal: "Malapit-lapit na syempre 35 na po ako"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa 24 Oras, GMA Integrated News YouTube:

Si Alexander Xian Cruz Lim-Uy o mas kilala bilang si Xian Lim ay isang Filipino actor. Kasalukuyan siyang nasa ilalim ng GMA. Si Xian ang nakarelasyon ni Kim Chiu sa loob ng 12 taon.

Bago matapos ang taong 2023, gumulantang sa publiko ang hiwalayan ng KimXi. Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong ito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star, 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica