Heart Evangelista, nilinaw na walang sahod ang pagiging SSFI President niya

Heart Evangelista, nilinaw na walang sahod ang pagiging SSFI President niya

- Binahagi ni Heart Evangelista ang isang paglilinaw kaugnay sa Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI)

- Matatandaang siya ang hinirang na president ng naturang foundation

- Aniya, 1987 pa itinatag ang foundation na ito at ito ay non-stock at non-profit

- Nakasaad din sa kanyang binahaging screenshot na walang matatanggap na sahod ang mga asawa ng senators na naluklok bilang mga opisyales ng naturang foundation

Binahagi ni Heart Evangelista ang isang paglilinaw kaugnay sa Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI). Matatandaang siya ang hinirang na president ng naturang foundation.

Heart Evangelista, nilinaw na walang sahod ang pagiging SSFI President niya
Heart Evangelista, nilinaw na walang sahod ang pagiging SSFI President niya
Source: Instagram

Ayon kay Heart, itinatag ang foundation noong 1987 at ito ay non-stock at non-profit. Sa kanyang post, nilinaw niya na walang matatanggap na sahod ang mga asawa ng senators na naluklok bilang mga opisyales ng foundation.

Sa kanyang ibinahaging screenshot, nakasaad ang mga detalye ukol sa pagkakatatag at layunin ng SSFI, at binigyang-diin niya na boluntaryo ang serbisyo ng mga kasapi nito.

Read also

Vice Ganda, nagpasalamat matapos hiranging #1 most followed male influencer

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Heart Evangelista, nilinaw na walang sahod ang pagiging SSFI President niya
Heart Evangelista, nilinaw na walang sahod ang pagiging SSFI President niya
Source: TikTok

Ang paglilinaw na ito ni Heart ay naglalayong magbigay ng kaalaman at transparency sa publiko ukol sa kanyang tungkulin sa SSFI, na naglalayong makatulong sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng mga proyektong pangkawanggawa.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Juliana Parizcova, binahagi sa kanyang Facebook account ang post ni Nikko Natividad

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel