Andi Eigenmann, naghayag ng saloobin sa panayam ni Boy Abunda sa kanya: "I wish I visited her more"

Andi Eigenmann, naghayag ng saloobin sa panayam ni Boy Abunda sa kanya: "I wish I visited her more"

- Nagpaunlak ng panayam si Andi Eigenmann matapos ang ilang buwan ng pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na nanay

- Sa isang teaser na binahagi sa Youtube channel ni Boy Abunda, inihayag ni Andi ang mga bagay na hiling niyang nagawa niya

- Nabanggit niya na magkaiba sila ng kanyang nanay at umaabot sa puntong hindi sila nagkakasundo

- Masakit daw sa kanya na isiping unti-unting nawawala ang mga taong mahalaga sa kanya at akala niya ay nandiyan lang sila at may oras pa

Nagpaunlak ng panayam si Andi Eigenmann kay Boy Abunda matapos ang ilang buwan mula nang pumanaw ang kanyang pinakamamahal na ina. Sa isang teaser na ibinahagi sa YouTube channel ni Boy Abunda, inihayag ni Andi ang mga bagay na hiling niyang nagawa niya noong nabubuhay pa ang kanyang ina.

Andi Eigenmann, naghayag ng saloobin sa panayam ni Boy Abunda sa kanya: "I wish I visited her more"
Andi Eigenmann, naghayag ng saloobin sa panayam ni Boy Abunda sa kanya: "I wish I visited her more"
Source: Youtube

Sa panayam, inamin ni Andi ang kanyang panghihinayang. Ikinuwento rin niya na magkaiba sila ng kanyang ina at madalas silang hindi nagkakasundo.

Read also

Diwata, umano'y dinumog sa mall: "Namili ako pangsosyal na damit"

Magkaiba kami ni nanay to the point na hindi kami magkasundo. Binigyan niya ako ng blank space.

Ayon kay Andi, masakit sa kanya ang isiping unti-unting nawawala ang mga taong mahalaga sa kanya, na akala niya ay nandiyan lang sila at may oras pa para magkita at magkasama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Of course I wish I visited her more. Of course I wish all the times that she said next time na siya magsi-Siargao, I wish I just picked her up ang just forced her to come visit.
Parang ang hirap para sa'kin na isipin kasi ito yung mga importanteng tao sa buhay ko. Unti-unti na silang nawawala tapos akala ko nandiyan lang sila. Akala ko may oras pa.

Ang kanyang pahayag ay nagdulot ng malalim na emosyon sa mga tagasubaybay, na nagpakita ng suporta at pag-unawa sa kanyang pinagdaraanan.

Read also

Ogie D, piniling di sabitan ng money garland ang anak: "Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo"

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate