Diwata, umano'y dinumog sa mall: "Namili ako pangsosyal na damit"
- Marami ang lumapit at nagpa-picture kasama si Diwata nang magpunta ito sa isang mall
- Kilalang-kilala na talaga siya na halos lahat ng kanyang makakasalubong ay binabati siya
- Samantala, namili umano ng damit si Diwata kaya siya nagtungo sa mall
- Ito umano ay para sa isang event na kanyang pupuntahan kaya naman siniguro niyang pormal ang kanyang magiging dating
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ni Diwata ang minsang pagpunta niya sa isang mall para bumili ng aniya'y 'pangsosyal' na damit.
Una niyang ipinakita ang kanyang OOTD, na sa kabila ng mga suot na ginto ay pinili pa rin nitong magsuot ng tsinelas.
Kwento ni Diwata, may dadaluhan siyang event na kailangan umano'y pormal ang kanyang dating.
Ipinakita niya ang napiling kasuotan na aniya'y sapat naman ang halaga.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nang matapos mamili at kumain, hindi na napigilan ang mga taong lumalapit kay Diwata at nagpapakuha ng larawan kasama siya.
Halos lahat naman ng humirit sa kanya na magpa-picture ay hind naman niya tinanggihan. Minsan pa nga, siya mismo ang humahawak ng camera para mas maging maayos ang kuha nila.
Maging ang hirit ng pa-shout out ng ilan ay kanyang napagbigyan.
Narito ang kabuuan ng vlog ni Diwata:
Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.
Sa isang post ni Rosmar Tan, todo puri niya si Diwata na masarap umanong tulungan dahil hindi raw ito abusado. Matatandaang ang CEO na si Rosmar ang siansabing may pinakamalaking naibahaging biyaya kay Diwata na umabot ng milyon-milyon ang halaga.
Hindi naman nalalayo ang naging komento ng respetadong aktor at direktor na si Coco Martin na hanga umano kay Diwata na aniya'y masarap tulungan dahil sa pagiging likas din nitong kabaitan. Sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN, naikwento ni Coco kung paano niya nakuha si Diwata upang maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo. Bagama't kabado sa umpisa, kinakitaan niya ito ng dedikasyon at determinasyon dahilan para maging regular na umano ito sa naturang serye na tulad ng pares ni Diwata ay pinakaaabangan din ng marami.
Samantala, Dinagsa ng marami ang grand opening ng Diwata Pares Overload branch sa Quezon City. Ibinahagi ni Diwata ang mga kaganapan bago pa man magsimula ang munting programa sa pagbubukas ng nasabing branch. Ipinasilip din niya ang mga bago sa menu ng Diwata Pares Overload. ilan sa mga ito ay 'Diwata Sokoleyt overload', 'Diwata Hotdog Overload', 'Diwata Family Siken' at 'Diwata Spagiti Overload'.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh