Belle, hinandugan ng medal ni Donny; hinangaan nang ipasa ito kay Solana

Belle, hinandugan ng medal ni Donny; hinangaan nang ipasa ito kay Solana

- Marami umanong kilig moments ang tambalang DonBelle sa katatapos lang na Star Magic All Star Games

- Isa na rito ang pagsabit ni Donny Pangilinan ng medal na kanyang natanggap sa kaparehang si Belle Mariano

- Subalit ang ikinagulat ng lahat ay nang ipasa ito ni Belle sa bunsong kapatid ni Donny na si Solana dahilan para siya'y hangaan ng marami

- Matatandaang noong May 10, nagtapos ang pinakasinubaybayang teleserye ng DonBelle ang 'Can't Buy Me Love'

Maraming DonBelle fans ang natuwa nang makita ang kanilang iniidolo sa katatapos lamang na Star Magic All Star Games noong June 2.

Donny, isinabit ang medal kay Belle sa ASG: Belle, hinangaan nang ipasa ito kay Solana
Belle Mariano and Donny Pangilinan (Star Magic FB)
Source: Facebook

Kitang-kita ang iba't ibang kilig moments ng dalawa lalo na at todo suporta si Belle sa basketball game ni Donny laban sa Team Payaman.

Sa pagtatapos ng game, nakasama si Donny sa Mythical 5 dahilan para siya'y magkamit ng medalya.

Read also

Ogie D, piniling di sabitan ng money garland ang anak: "Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo"

At ang kapansin-pansin dito, isinabit niya ito kay Bella kaya lalong kinilig ang kanilang fans sa sweet gesture na ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, hindi rin nakawala sa mata ng publiko ang closeness ni Belle at ng bunsong kapatid ni Donny na si Solana.

Katunayan, pinili ni Belle na isuot kay Solana ang medalya ng kuya nito kaya naman labis siyang hinangaan ng marami.

Makikita rin kasi ang pag-aalaga ni Belle hindi lamang kay Donny kundi maging kay Solana.

Narito ang ilang video sa mga nabanggit na kaganapan na naibahagi rin ng TikTok user na si @dunbilsus/ @aye

Si Donato Antonio "Donny" Laxa Pangilinan ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na bagong aktor sa bansa. Bukod dito, isa rin siyang model, singer at VJ. Anak siya nina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa.

Read also

Diwata, ibinida ang ipinaayos na kotse: "Salamat at naging bago yung sasakyan ko"

Nakilala si Donny sa pagganap nila ni Belle Mariano sa hit series na 'He's Into her'. Tumabo rin sa takilya ang pinakahuling pelikula nila na 'Love is Color Blind,' at 'An Inconvenient Love.'

Matatandaang pinakatutukan ang kanilang serye na Can't Buy Me Love. Ito ay sa kapanapanabik na pagtatapos nito kung saan nagkaroon pa ng mga kabi-kabilang haka-haka sa kung sino nga ba ang pumatay sa ina ni Caroline na si Divine na ginampanan ni Shaina Magdayao. Katunayan, nang matapos ang seryeng ito, naglabas pa ang ABS-CBN ng alternative ending kung saan ang lahat ng posibleng suspek ay pinakita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica