Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang makeup tutorial video

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang makeup tutorial video

- Kinagiliwan ng marami ang video ni Sarina Hilario na nag-makeup sa kanyang pinsan

- Sinimulan niya ito sa pag-apply ng blush, eyebrow liner, eye shadow at lipstick

- Natuwa naman ang kanyang pinsan sa kinalabasan ng kanyang makeup

- Paalala pa ni Sarina light lamang dapat ang makeup para raw "pretty"

Isa na namang video ni Sarina Hilario, anak ng dancer, actor at It's Showtime host na si Jhong Hilario, ang kinagiliwan ng marami.

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang makeup tutorial video
Sarina Hilario (Sarina Oceanía Azores Hilario FB)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook page, nagkaroon siya ng makeup tutorial kasama ang pinsang si Mavis.

Animo'y makeup artist talaga si Sarina nang ipakita niya step by step kung paano ang pag-apply ng makeup.

Inumpisahan niya sa blush on na sinundan naman ng eyebrow. Hindi rin niya nakalimutan ang eye shadow na siya mismo talaga ang pumili ng kulay na ilalagay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Korina Sanchez, pinatunayang nagustuhan niya ang pares ni Diwata

Huli ang lipstick kung saan tinuruan pa niya si Mavis kung ano ang gagawin sa labi upang pumantay ang kulay ng lipstick.

Natuwa naman ang pinsan niya sa kinalabasan ng makeup. Paalala pa ni Sarina, light lang dapat umano ang makeup para raw umano'y 'pretty.'

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

Si Sarina Oceanía Azores Hilario ay anak ng It's Showtime host na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Azores. Agaw-pansin ang mga father and daughter videos nina Jhong at Sarina dahil lalo na ang kahanga-hangang pagkanta ni Sarina sa mura niyang edad.

At kamakailan lamang, naglabas na ng music video si Sarina sa awitin ni Frank Sinatra ang 'Fly me to the moon.' Bukod sa awiting ito, madalas din niyang kantahin ang "Moon River" at marami pang iba. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito.

Read also

Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"

Nang magdiwang ng kanyang 3rd birthday si Sarina, pinili nilang ibahagi ang kanyang mga biyayang natatanggap sa mga batang ulila na nasa pangangalaga ng isang orphanage sa San Juan. Makikita ang saya ni Sarina sa pagbibigay saya rin sa mga batang nakasama niya sa kanyang espesyal na araw. Matatandaang kamakailan, kinagiliwan din ng marami ang video niya ng 'Selos.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel