Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

- Sa panayam sa L'officiel, nagbigay ng payo si Andrea Brillantes sa kanyang mga kaedad na "Be single"

- Sinabi niyang mahalaga ang pagkakaroon ng panahon para sa sarili bago pumasok sa isang seryosong relasyon

- Ayon kay Andrea, ang pagkakaroon ng boyfriend nang maaga ay maaaring magdulot ng unresolved thoughts

- Ipinahayag niya na minsan, hindi tunay na sarili ang ipinapakita lalo kapag maagang magkaroon ng karelasyon

Sa isang panayam sa kanya ng L'officiel, nagbigay ng makahulugang payo si Andrea Brillantes para sa kanyang mga kaedad. Nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa ibang kababaihang kaedad niya, mabilis niyang sagot: "Be single," sabay tawa.

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"
Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"
Source: Instagram

Ngunit, sa kabila ng kanyang biro, seryoso si Andrea sa kanyang payo. "If katulad kita na nag-boyfriend nang maaga, at nare-realize mo na ang dami mo palang unresolved thoughts, tapos magugulat ka na 'yung years na akala mo ikaw 'yun... hindi talaga ikaw 'yun," paliwanag niya. "Ikaw lang 'yun with a boyfriend," dagdag pa niya.

Read also

Kasambahay ni Keith Talens na si Yaya Jina, napatalon sa sorpresa ng mga amo sa kanya

Ipinapakita ni Andrea na mahalaga ang panahon para sa sarili, lalo na sa panahon ng pagkatuto at personal na paglago. Ang kanyang mensahe ay nagbigay-inspirasyon sa maraming kabataang babae na unahin ang kanilang sarili at kilalanin ang kanilang tunay na pagkakakilanlan bago pumasok sa isang seryosong relasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate