Rosmar Tan, ibinida ang kanyang mga ulam ngayong tag-ulan

Rosmar Tan, ibinida ang kanyang mga ulam ngayong tag-ulan

- Ibinida ni Rosmar Tan Pamulaklakin ang mga ulam niya ngayong tag-ulan na

- Sinabi niyang naparami umano ang kanyang kanin dahil sa paborito niya ang mga ulam na ito

- Dahil dito, marami ang lalong humanga sa patuloy na pagiging simple ni Rosmar

- Gayundin sa pamamahagi ng biyayang kanyang natatanggap tulad nalang ng tulong na naibigay niya kay Diwata

Masayang ibinahagi ni Rosmar Pamulaklakin ang kanila umanong ulam ngayong tila nagsisimula na umano ang tag-ulan.

Rosmar Tan, ibinida ang kanyang mga ulan ngayong tag-ulan
Rosmar at Jerome Pamulaklakin (Rosemarie Tan Pamulaklakin)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook, ipinakita niya ang sardinas na maraming sibuyas at mayroon ding meat loaf.

"Takamin ko lang kayo ng ulam namin ngayong tag ulan my all time favorite spicy Ligo Sardines. Naparami na naman ng kanin."

Bukod dito, ibinahagi rin ni Rosmar na nakakamay pa siyang kumain nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Coco Martin kay Diwata: "Ang bait niya, nakakatuwa na ang sarap tulungan"

Kaya naman, tila lalong dumami ang mga humanga sa pagiging simple niya sa kabila ng tagumpay na kanyang tinatamasa.

Narito ang komento ng ilang netizens:

"Ito ang mayaman na napakasimple at walang arte."
"Wow! kumakain ka po pala ng sardines ma'am Rosmar?"
"Ito 'yung CEO na walang arte. Akalain mong kumakain din ng nakakamay?"

Ang iba, tila naka-relate at sinabing iyon din ang kanilang ulam ngayong maulan na ang panahon.

"'Yan din po ang ulam namin. Happy eating po!"
"Hala mam! Nakakatuwa po kayo na sardinas din ang ulam niyo tulad namin"
"Kaya ka po bini-bless kasi po sobrang simple niyo po at nagbabahagi pa po kayo ng blessings."

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang nag-viral si Rosmar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Na sinundan naman ng kanya noong kakaibang restaurant kung saan super enjoy ang kanyang mga customers dahil tila nasa loob sila ng pet cage.

Read also

Michelle Dee, nag-react sa viral na crowning moment ng MUPH 2024

Isa na siyang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters. Naglabas pa ng single si Rosmar kung saan kasama pa niya ang kanyang mister na si Nathan. Naging kontrobersyal ang naturang kantang "Manalamin" dahil sa lyrics nito.

Kamakailan, naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel