Diwata, binenta ng Php3,000 kay Boss Toyo ang unang kaldero niya sa paresan

Diwata, binenta ng Php3,000 kay Boss Toyo ang unang kaldero niya sa paresan

- Binenta ni Diwata kay Boss Toyo ang pinakaunang kaldero niyang gamit sa kanyang paresan

- Bumilib si Boss Toyo kay Diwata na hindi humirit ng mataas na presyo

- Katunayan, ang halagang hinirit nito ay malapit lang sa kung magkano niya ito nabili

- Matatandaang, minsan na rin bumilib si Rosmar Tan kay Diwata dahil hindi umano ito mapag-abuso sa mga tumutulong sa kanya

Binenta ni Diwata kay Boss Toyo ng "Pinoy Pawnstars" ang pinakaunang kalderong ginamit niya sa pagnenegosyo ng pares.

Diwata, binenta ng Php3,000 kay Boss Toyo ang unang kaldero niya sa paresan
Diwata at Boss Toyo (diwata pares overload Official account YT)
Source: Youtube

Ani Diwata, may sentimental value umano ang naturang kaldero na siyang gamit niya sa pagnenegosyo sa kasagsagan ng pandemya.

Nabanggit niyang 2020 nang magsimula siyang magluto at magtinda ng pares. Food cart pa lamang ang kanyang paresan noon na hindi na umano niya natubos matapos madampot ng clearing operations.

Taliwas sa inaakala ng marami na maaring mataas na presyo niya ito ibibenta, humanga pa sa kanya si Boss Toyo nang sabihin ni Diwata ang halagang inaasahan niya.

Read also

Diwata, binenta kay Boss Toyo ang unang kalderong gamit niya sa paresan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"At least hindi siya, feeling ano, star," ani Boss Toyo nang ang ibinigay ni Diwatang presyo ay halos malapit na sa halaga kung magkano niya binili ang naturang kaldero.

Alam naman din ni Boss Toyo ang halaga ng mga ganoong klase ng lutuan at nakwento niyang minsan na rin niyang pinasok ang negosyo ng paresan.

Unang tawad ni Boss Toyo ay ₱1,500 subalit nababaan dito si Diwata kaya nag-request siyang taasan naman. Balak pa niyang isama ang luma at sira-sira niyang tsinelas.

Php3,500 hirit ni Diwata kasama na ang kanyang tsinelas. Huling tawad ni Boss Toyo ay Php2,500 ngunit Php3,000 ang naging halaga ng kaldero lamang ni Diwata.

Ipinaliwanag din ni Boss Toyo na magkakaroon umano ng QR code ang item na ito ni Diwata. 'Pag na-scan ang naturang QR code, makikita umano ang kwento sa likod ng kaldero ni Diwata na naging instrumento ng tagumpay niya sa pagnenegosyo.

Read also

Ogie Diaz, willing i-guide si Diwata: "Kahit walang bayad"

Ang kabuuan ng mga pangyayari sa pagbebenta ni Diwata kay Boss Toyo ay mapapanood din sa diwata pares overload Official account YouTube:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload na matatagpuan malapit sa GSIS building, Pasay City. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan. Sa halagang Php100, may pares na ito, unli-sabaw, unli rice at isang boteng softdrinks. Kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang matiyagang pumipila sa Diwata Pares Overload.

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Samantala, matapos ang pagbibigay ni Rosmar kay Diwata ng bahay, isang milyong piso at iba pa umanong pang kabuhayan, naikwento nitong inalok pa niya ng makeover si Diwata. Natuwa siya sa naging reaksyon nito na aminadong kabado gayung rhinoplasty sana ang ipapagawa para sa kanya. Dahil dito, nasabi ni Rosmar na masarap umanong tulungan si Diwata gayung hindi raw ito abusadong tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica