Ninang Bryanboy, kinaaliwan sa kanyang version ng sardinas eating challenge
- Gumawa ng isang video si Ninang Bryanboy patungkol sa pagkain ng sardinas kagaya ng video na ginawa ni Tito Mars
- Kagaya sa mga nauna niyang mga content idinaan niya sa nakakaaliw at sosyal na paraan ang kanyang paggawa ng parody
- Dahil nakilala sa kanyang pagiging mayaman, makikita sa kanyang video ang brand na talaga namang mamahalin
- Kahit kunwari itong nandiri sa sardinas, nilinaw niya sa bandang huli ng kanyang video na masama ang magsayang ng pagkain
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Gumawa ng isang nakakaaliw na video si Ninang Bryanboy patungkol sa pagkain ng sardinas, na inspired sa viral video ni Tito Mars. Kagaya ng dati niyang mga content, ipinakita niya ang kanyang unique na estilo sa paggawa ng parody, na nagdulot ng saya at aliw sa kanyang mga tagasubaybay.
Sa video, kitang-kita ang mga mamahaling brand na karaniwan na sa lifestyle ni Bryanboy, lalo na’t kilala siya sa kanyang pagiging mayaman at sosyal. Kahit kunwari niyang ipinakita ang pagkadiri, ang kanyang comedic timing ay nagpa-viral muli sa kanyang video.
Sa bandang huli ng kanyang video, nilinaw ni Bryanboy na ito ay isang biro lamang at binalaan ang lahat na masama ang magsayang ng pagkain. Ang kanyang mensaheng ito ay nagpapaalala sa lahat ng kahalagahan ng hindi pagsasayang ng pagkain, kahit na sa gitna ng kasiyahan at aliwan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Tito Mars ay nakilala sa social media sa kanyang mga videos kung saan naghahayag siya ng kanyang pananaw at opinyon. Nitong mga nakaraang araw ay may mga videos siya kung saan pinagbibigyan niya ang mga eating challenge mula sa netizens kabilang na ang pagkain ng sardinas, tuyo at mangga na may bagoong. Dahil sa kanyang reaksiyon tuwing kumakain siya nito ay marami ang nambatikos sa kanya.
Matatandaang kagay ni Tito Mars, nakilala din si Rendon Labador sa kanyang paglalabas ng opinyon na marami ang tumaliwas. Naging dahilan ito upang pagkaisahan siya ng mga taong hindi natuwa sa kanya at kinalaunan ay nag-report sa kanyang mga social media page.
Matatandaang taong 2023 nang mabura ang Facebook page ni Rendon. Sa kanyang Instagram stories ay naibahagi niya ang pag-mass report daw sa kanyang Facebook page. Sa kabila nito ay sinabi ni Rendon na hindi siya titigil sa kanyang adbokasiya na patalinuhin daw ang mga Pilipino. Matatandaang nauna na ring natanggal ang kanyang TikTok page.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh