Sylvia Sanchez, pinabulaan na tatakbong mayor ng QC si Arjo: "Imposible 'yun"

Sylvia Sanchez, pinabulaan na tatakbong mayor ng QC si Arjo: "Imposible 'yun"

- Mismong si Sylvia Sanchez ang nagsabing hindi tatakbong mayor ng Quezon City ang anak na si Congressman Arjo Atayde

- Aniya, parang ina na rin ang turing ni Arjo kay Mayor Joy Belmonte

- Mahalaga rin umano kay Arjo ang salitang utang na loob lalo na at si Mayor Joy ang tmayong mentor niya

- Nabanggit ni Sylvia na mismong sila na mag-asawa ang hindi papayag na tumakbo bilang mayor si Arjo ng QC

Sinagot na ni Sylvia Sanchez ang tanong ng marami kung may balak ba umanong tumakbo bilang alkalde ng Quezon City ang kanyang anak na si Arjo Atayde.

Sylvia Sanchez, sinabing 'di tatakbong mayor si Arjo: "Hindi po lalaban si Arjo kay Joy Belmonte"
Arjo Atayde (@arjoatayde)
Source: Facebook

Kasalukuyang congressman ng unang distrito si Arjo at natatanong n aito tungkol sa plano niya matapos ang kanyang termino.

Subalit sa panayam ni Aiko Melendez sa ina ni Arjo na si Sylvia, siya mismo ang tumuldok sa mga usap-usapan ng iba na may balak umanong tumakbo bilang mayor si Arjo sa Lungsod ng Quezon.

Read also

Gabby Eigenmann: "May sinabi si Andi na 'Uwi na tayo Nanay'"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Unang-una, ayaw 'yan ni Cong. Arjo. Matimbang kay Arjo 'yung utang na loob," paliwanag ng isa sa mga maituturing na batikang aktres sa bansa.

"Sinasabi nga na dito sa politics daw hindi daw ino-honor, karamihan na hindi daw ino-honor 'yung salitang utang na loob. Pero hindi. Hindi ganu'n 'yun si Arjo. Sa kanya ang tumulong sa kanya, ang nagpapasok sa kanya dito naging mentor niya si Mayor Joy Belmonte. Sinabi niya talaga sa'kin, hindi ko lalabanan si Mayour Joy Belmonte. 'yan ang nanay ko dito," giit pa ni Sylvia.

"Hindi po lalaban si Arjo kay Joy Belmonte. Imposible 'yun. Una, aayawan ni Arjo, pangalawa aayawan naming mag-asawa. Mahal ni Mayor Joy si Arjo"

Kaugnay nito, nabanggit din ni Sylvia na congressman pa rin ang posisyong nais na pasukin ni Arjo sa halalan 2025.

Read also

Lars Pacheco sa mga Trans Pinays na sangkot sa gulo: “Wala tayo sa bansa natin, makisama tayo”

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Kamakailan, nagpakilig sa marami ang birthday greeting ni Arjo kay Maine na nilarawan niyang 'best wife.'

Samantala, gumawa naman ng ingay online ang engagement ng kapatid ni Arjo na si Ria Atayde sa aktor na si Zanjoe Marudo kamakailan. Walang pagsidlan ng kasiyahan ang ina nilang si Sylvia na isa na naman sa kanyang mga anak ang magpapakasal na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel