Dominic Roque, nakaabang umano sa tapat ng bahay ni Bea ayon sa source ni Ogie Diaz

Dominic Roque, nakaabang umano sa tapat ng bahay ni Bea ayon sa source ni Ogie Diaz

- Isang source ang nakapagsabi kay Ogie Diaz na tila sinusuyo ni Dominic Roque si Bea Alonzo

- Ito ay dahil sa napapabalitang ilang gabi na umanong nasa harap ng buhay nina Bea ang sasakyan ni Dominic

- Sinabi ni Ogie na tila pinapaniwalaan niya ang source gayung hindi ito ang unang beses na nagawa ito ni Dominic sa isang babae

- Umaasa rin daw siyang magkakaayos pa ang dalawa dahil dito

Malakas daw umano ang pakiramdam ni Ogie Diaz na magkakaayos sina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Dominic Roque, nakaabang sa tapat ng bahay ni Bea ayon sa source ni Ogie Diaz
Bea Alonzo and Dominic Roque (@dominicroque)
Source: Instagram

Isa ito sa natalakay nila sa kanyang Showbiz Update channel ngayong Pebrero 22.

"Feeling ko talaga, magkakasundo, magkakaayos... Baka, magkabalikan itong si Bea at si Dominic."
"Dahil alam mo ba, ilang gabi na raw na nandun sa harap ng bahay ni Bea si Dominic. Andun lang ito sa kotse, hinihintay ang pagdating ni Bea. Nakasindi nga yung kanyang makina. O, andun ang siya waiting"

Read also

Ogie D sa nababalita umanong buntis si Ria: "Kung sakaling totoo, bakit tayo ang mag-aannounce?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon pa kay Ogie, hindi umano kataka-takang magawa nga ito ni Dominic dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nagawa niya ito para sa isang babae.

"'Yun ay ayon sa source ko, alam mo naniniwala ako sa source ko. Kasi, 'nung nililigawan pa ni Dominic si Michelle Vito na ngayon si Michelle Vito ay jowa na ni Enzo Pineda, 'nung sila pinipigilan pa noon at 'di pabor mommy ni Michelle Vito kay Dominic."
"Ay, alas singko ng umaga bago mag alas sais, andun sa La Salle, sa tapat ng La Salle naka-park lang si Dominic Roque hinihintay ang pagdating ni Michelle Vito"
"'Yun ay ayon sa source ko. Pwera nalang kung i-deny ni Dominic."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read also

JM De Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome

Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang Fast Talk with Boy Abunda. Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano'y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

At nito lamang Pebrero 11, naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel