Cristy, umano'y naungkat ang hiwalayang BeaRald: "Pareho silang nang-ghosting"

Cristy, umano'y naungkat ang hiwalayang BeaRald: "Pareho silang nang-ghosting"

- Muling napag-usapan ang naging hiwalayan noon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson

- Umano'y naglatag ng ilang nalamang impormasyon si Cristy na posibleng dahilan kung bakit hindi inaamin ni Gerald ang akusasyong 'ghosting' ni Bea

- Lumalabas na tila parehong taon umanong nagkaroon ng ibang taong pinagkakaabalahan noon sina Bea at Gerald

- Ito ay ang paglabas umano ng mga pangalan nina Julia Barretto at Dominic Roque na may kaugnayan sa BeaRald

Tila naungkat muli nina Cristy Fermin sa kanyang Showbiz Now Na! YouTube channel ang tungkol sa pagtatapos ng relasyon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Cristy, umano'y naungkat ang hiwalayang BeaRald: "Pareho silang nang-ghosting"
Bea Alonzo and Gerald Anderson (Star Magic)
Source: Facebook

Ito ay nang maglabasan ang iba't ibang espekulasyon sa paghihiwalay nina Bea at Dominic Roque na tila ang aktres 'di umano ang nakikitang dahilan.

Kaya naman binalikan nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez ang mga sinasabing dahilan ng pakikipaghiwalay ni Bea sa mga dating nakarelasyon.

Read also

Cristy, sa hiwalayan ng KathNiel at BeaDom: "Pinasukan kasi ng masalimuot na kontrobersiya"

"'Yung kay Gerald Anderson. Kaawa-awa ang batang nung sila ay maghiwalay ni Bea dahil yung bintang sa kanya, ghosting," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang sabi po ni Bea Alonzo, sila pa raw ni Gerald, hindi raw niya alam meron na palang ipinasok sa relasyon na Julia Barretto,"
"Sa isang panayam ni Dominic Roque, sinabi niya na 2019 nagdi-date na sila ni Bea Alonzo bilang kaibigan pa lang at wala pang malinaw na relasyon," pagpapatuloy pa niya"

Subalit nang inalam nila ang tila pagkakamabutihan nina Bea at Dominic Roque, lumalabas na ito umano ay nagsimula noong 2019 din.

"Tapos pinatingnan natin kay Direk Jett kung kailan naman nagkasama si Julia Barretto at si Gerald Anderson 2019 din at nagsimula na rin yung pag-uugnay sa kanila. So ano pong ibig sabihin nito? 2019 sila pareho, meron na pala silang pinagkakaabalahan na iba? Pareho silang nang-ghosting"

Read also

Cristy, nausisa umano nina Sen. Raffy at Sen. Jinggoy ukol sa hiwalayan ng BeaDom

"Ala siyang inamin na nang-ghosting siya. I never did that sabi niya. Pero hindi na niya ito dinagdagan pa. Si Bea itong makuda"

Ito marahil umano ang dahilan kung bakit sa kabila ng akusasyong ghosting ni Bea kay Gerald ay hindi niya ito kailanman inamin.

"Kaya pala niya ipinagpipilitan na hindi niya ginosting si Bea, meron na rin palang kwento ng Dominic Bea noong panahon na 'yun. 2019"

Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Bea Alonzo ay isa sa mga kilalang aktres sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa bilang isang Kapamilya Star at nagkaroon ng kabi-kabilang blockbuster movies kabilang na rito ang mga pinagbidahan nila ng on-screen partner na si John Lloyd Cruz.

Samantala, Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang Fast Talk with Boy Abunda. Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano'y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Read also

Dominic Roque, madalas umanong magkulong sa condo ayon sa source ni Ogie Diaz

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

At nito lamang Pebrero 11, naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel