Toni Fowler: "Me watching kung paano ka mag sosorry for 947th time"

Toni Fowler: "Me watching kung paano ka mag sosorry for 947th time"

- Nagbahagi si Toni Fowler ng picture niya na nagpapakita ng reaksiyon niya aniya habang nakatingin sa taong mag-sosorry ng maraming beses

- Ito ang kanyang hirit kasunod ng nauna niyang post kung saan may pinatungkulan siya na tao na huwag daw babalik nang iiyak-iyak

- Kasalukuyang usap-usapan ang mga post ni Toni gayundin si Papi Galang

- Kamakailan ay naibahagi sa reality show nila ang paglipat ni Papi ng bahay at pakikipagsagutan niya sa magkapatid na Toni at Mari Fowler

Binahagi ni Toni Fowler ang picture niya na nagpapakita kung paano daw niya panonoorin na mag-sorry ang taong hindi niya pinangalanan. Umani ito ng komento mula sa netizens.

Toni Fowler: "Me watching kung paano ka mag sosorry for 947th time"
Toni Fowler: "Me watching kung paano ka mag sosorry for 947th time"
Source: Facebook

Kamakailan ay nag-post din siya kung saan may pinatungkulan siya na tao na huwag daw babalik nang iiyak-iyak.

Matatandaang naging usap-usapan ang paglipat kamakailan ni Papi Galang ng bahay para tuluyan na silang makapagbukod kasama ang kanyang pamilya. Ito ay matapos ang kontrobersiyal na sagutan nila ni Toni at kapatid ni Toni na si Marie Fowler.

Read also

Papi Galang: "Di mo para itakas yung bata panggamot sa sakit mo sa utak"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel