Ogie Diaz: "Sabi ng aking source galante si Dominic kay Bea"

Ogie Diaz: "Sabi ng aking source galante si Dominic kay Bea"

- Nagbahagi ng bagong detalye si Ogie Diaz patungkol sa kontrobersiyal na relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Ayon sa kanya umanong source, galante si Dominic pagdating kay Bea gayundin sa kanyang pamilya

- Nakarating din umano kay Ogie ang umano'y halaga ng talent fee ni Dominic na may kalakihan din umano

- Nabanggit din niya ang ilan sa mga negosyong pinagkakaabalahan nito maging ang mga kabi-kabilang endorsements na hindi lang napapansin ng publiko

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, natalakay ni Ogie Diaz ang mga nakarating umano sa kanya mula sa kanilang osurce patungkol pa rin sa kontrobersyal na relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ogie Diaz: "Sabi ng aking source galante si Dominic kay Bea"
Dominic Roque and Bea Alonzo (@dominicroque)
Source: Instagram

Matapos kasi ang umano'y pagsisiwalat nila ng hiwalayan ng dalawa, kabi-kabilang mga espekulasyon ang lumabas sa kung ang dahilan sakaling totoo raw ito.

Isa sa naikwento ni Ogie ay ang pagiging galante umano ni Dominic. Taliwas sa mga naglabasang balita na si Bea ang gunagastos lalo na sa pag lumalabas sila ng bansa.

Read also

Ogie Diaz, nabanggit ang halaga ng engagement ring ni Bea mula kay Dom: "3 million pesos"

"Sa totoo lang, sabi ng aking source galante si Dominic kay Bea. Galante. So hindi na natin iisa-isahin kung paano siya naging galante," ani Ogie. Kaya wala umanong katotohanang si Bea ang gumagastos sa mga paglabas nila ng bansa ni Dom.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi totoo yun. May ego, may pride pa rin ang lalake," dagdag pa ni Ogie na inalala ang sinasabing pagpayag ni Dominic sakaling magkaroon sila ng prenuptial agreement ni Bea.

Nabanggit din ni Ogie ang talent fee ni Dominic na may kalakihan din umano ang halaga. May mga negosyo rin ito at ang isa nga rito ay ang Blackpeak productions na siyang pinagkakaabalahan din nito.

Isa rin sa umano'y patunay ng pagiging galante ni Dom ay ang 3 million pesos worth na engagement ring nito kay Bea.

Read also

Ogie D sa umano'y komento ng Netizens kay Carla Abellana: "Lesson learned ito kay Carla noh?"

"'Yung singsing na yun hindi peke. According to my source, 'di ba pinasoli daw ni Bea 'yung singsing. Ito'y hindi naman direktang nakarating kay Dominic na isoli. 'Di ko lang alam kung nasaan yung singsing pero yung singsing na yun alam mo kung magkano? milyon... 3 million pesos.That's according to my source. Ako'y nakikinig lang naman sa kwento."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nito lamang Pebrero 6, gumawa ng ingay si Boy Abunda nang 'di umano'y kumpirmahin niya ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Read also

Ogie Diaz, natutuwa sa JuRald: "Hindi sila nagtatanim ng sama ng loob"

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel