Ogie Diaz, nabanggit ang halaga ng engagement ring ni Bea mula kay Dom: "3 million pesos"

Ogie Diaz, nabanggit ang halaga ng engagement ring ni Bea mula kay Dom: "3 million pesos"

- Nabanggit ni Ogie Diaz ang umano'y halaga ng engagement ring ni Bea Alonzo mula kay Dominic Roque

- Ayon umano sa source ni Ogie, isinauli umano ito ni Bea kay Dominic

- Ngunit ang hindi niya sigurado ay kung nasa kamay na nga ito ng aktor

- Hanggang ngayon, wala pa umanong kumpirmasyon mula mismo kina Bea at Dominic tungkol sa kanilang hiwalayan

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, napag-usapan ang iba pang nasagap umanong detalye ni Ogie mula sa kanyang source patungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ogie Diaz, nabanggit ang halaga ng engagement ring ni Bea mula kay Dom: "3 million pesos"
Dominic Roque and Bea Alonzo (@dominicroque)
Source: Instagram

Ilan sa mga ito ay ang tungkol sa kalagayan ngayon ni Dominic na madalas lamang umanong nasa condo nito at si Bea na kasalukuyan umanong nasa Singapore kasama ang kanyang pamilya.

"Sabi ng aking source ay obviously madalas magkulong sa kanyang condo si Dominic. At si Dominic ay dinadalaw ng mga parents niya, ng family niya doon. May mga kaibigan din si Dominic na tumatawag sa kanya para siya ay i-console, para siya ay imbitahang lumabas, para somehow makalimot."

Read also

Ogie D sa umano'y komento ng Netizens kay Carla Abellana: "Lesson learned ito kay Carla noh?"

Naibahagi rin ni Ogie ang tungkol sa engagement ring na isinauli na raw umano ni Bea kay Dominic. Wala rin umanong katotohanan na peke ang naturang singsing na ayon pa sa kanyang source ay milyon-milyon oang halaga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Yung singsing na yun hindi peke. According to my source, 'di ba pinasoli daw ni Bea 'yung singsing. Ito'y hindi naman direktang nakarating kay Dominic na isoli. 'Di ko lang alam kung nasaan yung singsing pero yung singsing na yun alam mo kung magkano? milyon... 3 million pesos. That's according to my source. Ako'y nakikinig lang naman sa kwento."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read also

Ogie Diaz, natutuwa sa JuRald: "Hindi sila nagtatanim ng sama ng loob"

Nito lamang Pebrero 6, gumawa ng ingay si Boy Abunda nang 'di umano'y kumpirmahin niya ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel