Andrew Schimmer, nag-post ng kanilang blended family picture: "Life is too short for regrets"

Andrew Schimmer, nag-post ng kanilang blended family picture: "Life is too short for regrets"

- Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang picture niya kasama ang kanyang mga anak kasama ang girlfriend niya at mga anak din nito

- Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na magkakasama sila ngayong Pasko

- Maging ang kanyang girlfriend ay binahagi ang masayang picture ng kanilang blended family

- mPinasalamatan nito si Andrew sa pagbibigay niya ng pag-asa sa kanya kagaya ng pinagpapasalamat din ni Andrew

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng pagbati si Andrew Schimmer sa pamamagitan ng pagbahagi ng picture ng kanilang blended family. Kasama ni Andrew ang dalawang anak, ang girlfriend niya at ang mga anak nito.

Andrew Schimmer, nag-post ng kanilang blended family picture
Andrew Schimmer, nag-post ng kanilang blended family picture
Source: Facebook

Sa post ni Andrew, inihayag niya ang mensahe niya sa pagkakaroon nila ng masayang Pasko.

It is indeed a Merry Christmas...It's the season of joy, peace and love. I just hope all of you are having the Same feeling that I'm having at the moment. If so.. Make the most of it. Life is too short For "What Ifs" believe me, I know. If you love someone, go for it. Now if you have someone, then stop wasting ur time. On petty things, go love and appreciate each other...Remember life is too short for REGRETS.

Read also

Andrew Schimmer, nag-react sa post na nagsabing pinagselosan daw noon ni Jho ang kasalukuyang gf

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging ang kanyang girlfriend ay binahagi ang masayang picture ng kanilang blended family kalakip ng kanyang pasasalamat kay Andrew.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, 2022, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings. Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa. Samantala, bago mag-Valentine's Day, ibahagi ni Andrew ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Jho sa kanyang braso. Ito umano ang paraan ng pag-aalala niya sa misis habang buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel