Miss Grace, masayang binahagi ang video kasama ang apat na anak

Miss Grace, masayang binahagi ang video kasama ang apat na anak

- Ibinahagi ni Miss Grace sa kanyang YouTube channel ang video ng kanilang Thanksgiving day kasama ang apat na anak

- Nakasama nila ang panganay na anak ni Miss Grace na si Justin

- Habang kumakain ay kinakausap niya ang mga anak at tinanong kung ano ang mga bagay na kanilang ipinagpapasalamat

- Masaya sila na makasama ang panganay na anak niya na umuwi para sa Thanksgiving

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasama ni Miss Grace ang apat na anak niya sa pagdiriwang ng Thanksgiving Day. Nakasama nila ang panganay na anak ni Miss Grace na si Justin.

Miss Grace, masayang binahagi ang Thanksgiving dinner kasama ang apat na anak
Miss Grace, masayang binahagi ang Thanksgiving dinner kasama ang apat na anak
Source: Youtube

Sa video na binahagi ni Miss Grace ay tinanong niya ang mga anak kung ano ang mga bagay na kanilang ipinagpapasalamat.

Para kay CJ, pinagpapasalamat daw niya ang pamilya niya at pagkakaroon ng tirahan. Para naman kay Jason ay thankful daw siya sa kapatid na si CJ. Natawa naman si Miss Grace nang tanungin si Aaron dahil ang sagot nito ay ang turkey na kinakain niya.

Read also

Vice Ganda, pinasaya ang staff ng It's Showtime sa kanyang maagang pamasko

Para naman sa panganay na anak niya ay thankful siya sa araw na iyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Read also

Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel