Cristy, sa Kathniel fans: "Pwede bang mag-trending din ang pagso-sorry niyo kay Ogie Diaz"

Cristy, sa Kathniel fans: "Pwede bang mag-trending din ang pagso-sorry niyo kay Ogie Diaz"

- Tila may pakiusap si Cristy Fermin sa Kathniel fans ngayong may nagkumpirma na sa hiwalayan ng kanilang idolo

- Ani Cristy, sana'y mag-trending din ang pagso-sorry ng Kathniel fans kay Ogie Diaz

- Ito ay matapos na maakusahan umano si Ogie na umano'y nagpapakalat ng fake news

- Gayunpaman, naunawaan umano ni Cristy na masakit ang naturang hiwalayan para sa fans ng real-life couple

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Cristy Fermin ukol umano sa fans ng tambalang Kathniel kaugnay sa naging akusasyon umano kay Ogie Diaz kamakailan.

Cristy, sa Kathniel fans: "Pwede bang mag-trending din ang pagso-sorry niyo kay Ogie Diaz"
Ogie Diaz (The Ogie Diaz)
Source: Facebook

Nabansagan umanong fake news peddler si Ogie o nagpapakalat umano ng kwentong walang katotohanan matapos na ibalita nito mula umano sa kanyang source na lihim na nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.

Sinasabing isa umano ito sa dahilan ng maugong na hiwalayan ng Kathniel na hanggang ngayon ay walang kumpirmasyon na galing mismo kina Kathryn at Daniel.

Read also

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

Subalit sa umano'y pinakabagong pasabog ni Cristy Fermin sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na! sinabi nitong mismong si Karla Estrada ang nagkwento sa isa nitong kaibigan na hiwalay na ang kanyang anak kay Kathryn.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ngayon na si Karla Estrada na ang nagsabi sa isa niyang kaibigan na tapos na talaga ang relasyon, isa po ang patunay at pampublikong imahe ng bindikasyon ni Ogie Diaz ito."
"Pinakain niyo ng pagkakasakit na salita 'yung tao. Tinawag niyo na ang pinakakain sa kanyang pamilya ay pagsisinungaling, imbento at paglalatag ng fake news. Tinawag niyong peddler ng mga maling balita. Paano ito ngayon?"

Inalala ni Cristy na nag-trending umano ang naturang akusasyon kay Ogie bagay na labis na pinag-usapan ng publiko.

"Ang tanong ko ngayon, paano niyo babawiin ito samantalang totoo naman ang kanyang sinabi. At may patunay na talagang hiwalay na ang inyong mga idolo. Pwede bang mag-trending din ang pagso-sorry niyo kay Ogie."

Read also

Ogie Diaz, nabalitaang may nakikipag-usap sa ABS-CBN: "Kung pwede raw patigilin kami"

Samantala agad na pinabulaanan ni Karla Estrada ang naging pahayag na ito ni Cristy sa pamamagitan ng isang post sa kanyang social media.

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Isa rin siyang mahusay na komedyante at popular na host ng kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update.

Isa nga sa natalakay nina Ogie, Mama Loi at Tita Jegs sa kanyang channel ay ang tungkol sa kontrobersyal na video nina Piolo Pascual at Darren Espanto kasama ang iba pa nilang mga kaibigan na nagsasayaw. Nabigyan umano ito ng malisya ng ilang netizens kaya't agad niyang dinipensahan ang dalawa.

Matatandaang minsan na rin nagpaalala si Ogie Diaz sa ibang mga baguhang artista pagdating naman sa kanilang pag-arte. Ang ilan, pinayuhan niyang dumaan sa acting workshops upang mas mahasa ang kanilang pag-arte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica