Jason Francisco nang tanungin ng birthday wish nya: "Sana magdikit na ang ngipin ng mama nyo"

Jason Francisco nang tanungin ng birthday wish nya: "Sana magdikit na ang ngipin ng mama nyo"

- Sinorpresa nina Melai Francisco at kanyang mga anak si Jason Francisco sa kaarawan nito

- Sa bagong vlog na binahagi nila sa kanilang YouTube channel, pinakita nila ang kanilang pagbati sa kanilang padre de pamilya

- Sa isang bahagi ng video ay tinanong siya ng anak na si Mela kung ano ang kanyang wish

- Pabiro namang sinabi ni Jason na hiling niya na magdikit na ang ngipin ng mama nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Jason Francisco sa kanyang naging sagot nang tanungin siya ng anak kung ano ang kanyang birthday wish. Sa kanilang bagong vlog ay sinorpresa ng mag-iina si Jason sa kaarawan nito.

Jason Francisco nang tanungin ng birthday wish nya: "Sana magdikit na ang ngipin ng mama nyo"
Jason Francisco nang tanungin ng birthday wish nya: "Sana magdikit na ang ngipin ng mama nyo"
Source: Youtube

Biniro ni Jason ang mga anak na ang kanyang wish ay sana magdikit na daw ang ngipin ng mama nila.

Read also

Iwa Moto, idinaan sa pagru-rubiks cube ang lungkot: "Trying to cope with everything.."

Nagkaroon din sila ng salo-salo kasama ang iba pang pamilya ni Jason. Bukod sa kanilang pagsasalo-salo, nagkaroon din sila ng palaro kung saan sumali ang dalawang anak sa paghula sa mga salitang may kinalaman sa mga paborito ng kanilang papa.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kuya pareng jason ano pong feeling na naging 3 na po ang melai ng buhay nyo haha super ingay na ng world but full of love happy birthday po
The first two minutes is bardagulan
All I can say from the bottom of my heart, I love Melason family, Happy Birthday Jason

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Read also

Video na kuha sa kasal nina LJ at Philip, mabilis na nag-viral

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate