Ellen Adarna sa netizen na napagod na gumastos sa partner: "At least man lang KKB"
- Nagbigay ng reaksiyon si Ellen Adarna sa komento ng isang netizen kaugnay sa kanyang partner
- Aniya, napapagod na siya gumastos sa partner at humingi siya ng payo kay Ellen
- Ani Ellen, kahit sana magkanya-kanya na lang sila ng bayad at nag-shout out pa si Ellen sa karelasyon ng naturang netizen
- Ito ang kanyang sinagot sa kanyang Q&A sa TikTok matapos niyang gumawa ng kanyang account kamakailan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinayuhan ni Ellen Adarna ang isang netizen na nagsabing napapagod na siya na gumastos sa lalaking minamahal. Ani Ellen, kahit man lang daw sana magkanya-kanya silang bayad.

Source: Instagram
Hindi niya din pinalampas ang pagpapakamartir na ito ng netizen na ito na humihingi ng payo.
Matapos nga niya magkaroon ng TikTok account ay sinubukan ni Ellen ang Q&A na kanyang ginagawa noon sa kanyang Instagram stories.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.
Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
Source: KAMI.com.gh