Vice Ganda at Nanay Rosario, kinaaliwan sa kanilang TikTok video
- Kinaaliwan ang video na binahagi ni Vice Ganda sa TikTok kung saan ginawa nila ni Nanay Rosario ang isang nauusong TikTok dance trend
- Game si Nanay Rosario sa na nakipagsabayan sa kakulitan ni Vice habang ginagawa ang challenge
- Marami ang natuwa sa video na ito ng mag-ina na kadalasang naibabahagi ni Vice
- Ito ay kuha sa bakasyon nina Vice Ganda kasama ang pamilya niya sa South Korea
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinida ni Vice Ganda ang nakakatuwang video nila ng kanyang Nanay Rosario. Sinayaw nila ang nauusong Yuyuyuyu dance.

Source: Instagram
Game na nakipagsabayan si Nanay Rosario at todo-bigay din sa paghataw. Kuha ito sa Korea kung saan nagtungo sina Vice Ganda at ang kanyang pamilya.
Narito ang ulan sa mga komento ng netizens:
Galing nman ni mother nasasabay ang trip ni vice ganda
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sobra love kita diyan ate Vice❤️love na love mo si mother earth mo nakaka good vibes ka talaga❤️@Vice Ganda
Ang cuteee ni motherrrr. Pangarap ko din to para sa magulang ko yung madala sila sa ibang bansa
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.
Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh