Pokwang sinagot ang isang netizen: "Again di ako kumakain ng sinuka ko na"
- Sinagot ni Pokwang ang isang netizen na humirit na baka magpapansin muli ang ex niya dahil sa alindog niya
- Ani Pokwang, hindi siya kumakain ng aniya ay 'sinuka' na niya
- Umani ng mga papuri ang mga post ni Pokwang kung saan kapansin-pansin ang kanyang glow up
- Karamihan sa kanyang mga post kung saan ibinibida niya ang kanyang attire at makeup ay umaani ng papuri at positibong komento
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinagot ni Pokwang ang isang netizen na nagsabing sa kanyang alindog ay maaring magpapansing muli ang ex niya. Diretsahan naman sinabi ni Pokwang na hindi na siya kumakain ng kanyang isinuka.

Source: Instagram
Bukod sa kanyang mga mensahe patungkol sa 'deadbeat' na ama, karamihan sa post ni Pokwang ay ang mga biyayang natatanggap niya sa pamamagitan ng trabaho niya.
Karamihan sa kanyang mga post kung saan ibinibida niya ang kanyang attire at makeup ay umaani ng papuri at positibong komento.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Source: Instagram
Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.
Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.
Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh