Derek Ramsay sa pag-propose kay Ellen: "In that one month, she showed me her dark side"
- Naibahagi ni Derek Ramsay sa vlog ni Dra. Vicki Belo ang isa sa dahilan kung bakit nag-propose siya kay Ellen Adarna kahit isang buwan pa lang niya itong nakikilala
- Aniya, sa isang buwan na iyon ay pinakita ni Ellen sa kanya ang kanyang dark side
- Wala umano sa kanyang mga nakaraan karelasyon ang gumawa niyon dahil puro good side nila ang kanilang pinakita
- Dagdag pa niya, nakipag-break na ito sa kanya kahit hindi pa sila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nabanggit ni Derek Ramsay sa pakikipag-usap niya kay Dra. Vicki Belo ang isa sa dahilan niya kung bakit nag-propose siya kay Ellen. Ito ay sa kabila ng isang buwan pa lang niya itong nakikilala.

Source: Youtube
Ani Derek, sa isang buwan pa lang ay pinakita nito kay Derek ang kanyang dark side. Wala umano sa kanyang mga nakarelasyon noon ang gumawa nito dahil mga good side nila ang kanilang pinakita. Dagdag pa niya, walang kaartehan si Ellen.
Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
Source: KAMI.com.gh