Andrei Trazona, ibinida ng kanyang ama: "Papa ko super supportive"

Andrei Trazona, ibinida ng kanyang ama: "Papa ko super supportive"

- Ibinida ni Andrei Trazona ang post ng kanyang papa tungkol sa kanya

- Ani Andre, super supportive ang kanyang papa na nagsabing dalaga na daw ang anak niya

- Ayon pa sa kanyang papa, pwede na daw siyang ilaban sa Miss Gay International

- Sa comments section ay nag-alok pa ito na siya na daw mag-manager kay Andrei

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Andrei Trazona ang post ng kanyang papa na nagsabing dalaga na daw ang anak niya. Ibinida ni Andrei ang pagiging supportive ng kanyang papa.

Andrei Trazona, ibinida ng kanyang ama: "Papa ko super supportive"
Andrei Trazona, ibinida ng kanyang ama: "Papa ko super supportive" (@izzytrazona_aragon)
Source: Instagram

Na-post ng kanyang ama ang isang video ni Andrei. Aniya, pwede na daw ilaban sa Miss Gay International ang kanyang anak.

Dalaga na ang anak ko pwede ng ilaban sa Miss Gay International hahahahaha.. sinung pupusta?

Binahagi naman ito ni Andrei sa kanyang Facebook page at sinabing napaka-supportive ng kanyang papa.

Read also

Andrei Trazona, humingi ng dispensa dahil sinabi niyang suportado siya ng ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Papa ko super supportive

Matatandaang naging usap-usapan ang paglalabas ng saloobin ni Andrei at ng kanyang inang si Izzy Trazona nitong nakaraan. Sa isang interview ay nabangit kasi ni Andrei na suportado siya ng ina.

Mismong si Izzy naman ang nag-post para sabihing hindi niya susuportahan ang anak sa mga bagay na hindi makakabuti sa kanila.

Andrei Trazona, ibinida ng kanyang ama: "Papa ko super supportive"
Andrei Trazona, ibinida ng kanyang ama: "Papa ko super supportive"
Source: Facebook

Si Izzy Trazona ay isa sa pinakaunang miyembro ng girl group na sexbomb na unang sumikat sa noontime show na Eat Bulaga. Ilan sa mga TV shows na kanyang kinabilangan ay Daisy Siete (2003), Ilumina (2010) at Bakit Papa? (2002).

February 2012 nang ikasal siya sa Starstruck season 1 avenger na si Alvin Aragon. Nabiyayaan ang mag-asawa ng tatlong anak na kanilang pinangalanang sina Andrei Dewey Trazona, Yanna, at Zoey. Bukod kay Izzy, may mga sariling pamilya na rin sina Jopay Paguia at ang tinuturing na leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan.

Read also

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa aniya'y poging afam

Bilang dating miyembro ng sikat na girl group na Sexbomb, madalas pa rin magbahagi si Izzy ang kanyang mga videos kung saan sumasayaw siya. Sa kanyang Instagram post ay inunahan niya na ang kanyang Obstetrician-Gynecologist para hindi siya mapagalitan. Nilinaw niyang kuha ang ibinahagi niyang video bago pa niya malamang buntis siya kaya aniya ay huwag sana siyang pagalitan. Sa kanyang ginamit na hashtag, hindi din niya ikinailang nami-miss niya na ang pagsasayaw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel