Bobby Ray Parks Jr., napuri ng ama ni Zeinab: "You got a gift from God"

Bobby Ray Parks Jr., napuri ng ama ni Zeinab: "You got a gift from God"

- Napuri ng ama ni Zeinab Harake si Bobby Ray Parks Jr. nang makausap niya ito sa isang video call

- Tila mga positibong salita ang mga nasabi nito sa kasintahan ng kanyang anak

- Isa rin sa mga napansin ng ama ni Zeinab ay ang kahanga-hangang pasensya umano ni Ray Parks

- Sa ngayon, nasa Lebanon umano sina Zeinab kasama ang kanyang ama at mga kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inulan ng magagandang salita si Bobby Ray Parks Jr. mula sa ama ng girlfriend niyang si Zeinab Harake.

Bobby Ray Parks Jr., napuri ng ama ni Zeinab Harake
Si Zeinab kasama ang kanyang ama (Zeinab Harake YT channel)
Source: Youtube

Sa pinakabagong vlog ni Zeinab na may pamagat na 'My Last Vlog', nagkaroon umano ng pagkakataong makausap ng ama ni Zeinab si Ray Parks Jr.

"We don't spend time really together, we don't talk together. Hoping to know you more better and more better. But so far, the way I see you, smart, charismatic, you know how to respect, you know how to polite and you know how to slide at the same time. Very smart guy," ayon kay Mr. Harake.

Read also

Daddy ni Zeinab nang biruin siya nito tungkol sa wedding: "It's too early"

"It's not a complement, that's the reality. That's what I'm saying. You got a gift from God, you know what they call it? Patience. You can wait to people," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngunit nang pabirong nabanggit ni Zienab ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Ray Parks Jr. "too early" ang nasabi ng ama.

Narito ang kabuuan ng nasabing vlog:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.7 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, naibahagi nito kung paano siya napaiyak dahil kay Lucas. Nilarawan ni Zeinab na halos madurog umano ang kanyang puso nang malaman ito mula pa sa teacher ng kanyang anak. Naibahagi rin niya sa naturang video kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga ni Zeinab ang bunso nitong si Bia.

Read also

Andrei Trazona sa inang si Izzy: "I love you so much mom but this isn't healthy"

Samantala, mula nang lumantad na sila sa publiko ay halos hindi na mapaghiwalay sina Zeinab at Bobby Ray Parks Jr. Lalo na nang mapalapit na rin ang mga anak ni Zeinab sa kanilang "Daddy Ray."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica