Lester Fowler, pinuri ang bagong kanta ni Toni Fowler: “Bilib ako sayo tol!”

Lester Fowler, pinuri ang bagong kanta ni Toni Fowler: “Bilib ako sayo tol!”

- Binati si Toni Fowler ng kanyang kapatid na si Lester Fowler sa bago nitong kanta at music video

- Aniya, pinagmamalaki niya ang kapatid sa bago nitong kanta dahil sa ganda ng mensahe at pagkakagawa ng music video

- Inunahan niya na rin ang bashers niya at sinabing wala silang magagawa dahil supporter siya ni Toni

- Matatandaang nag-viral noon ang naging video ni Lester ng maglabas siya ng saloobin kay Toni

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinagmalaki ni Lester Fowler ang kapatid niyang si Toni Fowler sa bagong nitong kanta na 'Sus.' Binati niya ito dahil sa magandang mensahe ng kanta at maganda din daw ang pagkakagawa ng music video.

Toni Fowler, binati ng kanyang kapatid sa bagong kanta niya
Toni Fowler, binati ng kanyang kapatid sa bagong kanta niya
Source: Instagram

Inunahan na rin ni Lester ang kanyang mga bashers dahil proud siya sa kanyang kapatid. Aniya wala silang magagawa dahil supporter siya ni Toni.

Read also

Ivana Alawi, kumasa sa buy everything Baby Gab touches challenge; ilang iPhone 15, binili

Marami nga ang positibong komento sa bagong kanta ni Toni dahil sa mensahe nito kaugnay sa pagiging single mom.

Kasama niya sa kantang 'Sus' ang kapatid niyang si Mari Fowler.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Sarina Hilario, kinaaliwan sa pagsayaw niya kasama ang Streetboys

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: