Vice Ganda, kinilabutan sa jackpot winner ng 'Isip Bata'

Vice Ganda, kinilabutan sa jackpot winner ng 'Isip Bata'

- Emosyonal ang jackpot winner ng Isip Bata segment ng It's Showtime ngayong araw

- Nakuha niya ang jackpot prize na P750,000 bukod sa kanyang P11,000 na naunang napanalunan

- Ani Vice, kinilabutan siya nang marinig ang sinabi ng jackpot winner na para sa college tuition ng anak niya ang napanalunan nito

- Bago pa man kasi malaman ang kanyang winning answer, nabanggit daw ni Argus sa kanya na ayaw daw niyang mag-high school at gusto na lang niyang mag-college na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napagtanto raw ni Vice Ganda na ang jackpot winner sa Isip Bata ang talagang nakatakdang manalo. Napanalunan ng single mom na si Ruby ang jackpot prize na P750,000.

Vice Ganda, kinilabutan sa jackpot winner ng 'Isip Bata'
Vice Ganda, kinilabutan sa jackpot winner ng 'Isip Bata' (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Naging emosyonal si Ruby sa kanyang pagkapanalo lalo at dapat ay mag-iiba na lang ng kurso ang anak niya dahil hindi na nila kaya ang tuition fee nito.

Read also

Iwa Moto sa nagsabing mas maganda si Jodi sa kanya: "Walang kompetisyon"

Ani Vice, kinilabutan siya nang marinig ang sinabi ng jackpot winner na para sa college tuition ng anak niya ang napanalunan nito.

Naibahagi ni Vice na bago pa man kasi malaman ang kanyang winning answer, inaaliw niya daw si Argus dahil ayaw niyang makaramdam ng pressure ang bata. Bigla na lang daw nabanggit ni Argus sa kanya na ayaw daw niyang mag-high school at gusto na lang niyang mag-college na.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

RR Enriquez kay Pau Fajardo: "Hurray sa new love life"

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel