Ogie Diaz sa pahayag ni Enrique sa relasyon nila ni Liza: "Sinungaling ang source ko"

Ogie Diaz sa pahayag ni Enrique sa relasyon nila ni Liza: "Sinungaling ang source ko"

- Nagbigay komento ni Ogie Diaz patungkol sa umano'y reaksyon ni Enrique Gil tungkol umano sa relasyon nila ni Liza Soberano

- Nasabi kasi ni Enrique na "We're good" at sinegundahan na busy lamang talaga sila ni Liza sa kani-kanilang mga career

- Taliwas ito sa naunang naibahagi ni Ogie na ayon sa kanyang source na tapos na umano ang relasyon ng LizQuen

- Gayunpaman, sinabi ni Ogie na kung si Enrique na mismo ang nagbigay ng pahayag, isipin na lamang daw ng publiko na okay pa rin ang dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ogie Diaz sa pahayag ni Enrique sa relasyon nila ni Liza: "Sinungaling ang source ko"
Enrique Gil and Liza Soberano (Enrique Gil)
Source: Facebook

Nagbigay komento ni Ogie Diaz sa mga umano'y nagsasabing sinungaling siya gayung maayos pa rin 'di umano ang relasyon nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ito ay matapos na mismong si Enrique ang nagsabing "We're Good" nang makumusta ang pagiging magkasintahan nila ng model/ actress.

Read also

Pura Luka Vega nang matanong kung gagawin muli niya ang paggaya kay Kristo: "Yes"

"We’re good. We’re good… you know i’m busy with all my projects. She is busy with all her projects naman she is focusing more on international work which is super super good for her, you know Kahit super busy kami we still support each other no matter what. Yeah! super happy for her, super happy for me too," ani Enrique sa panayam sa kanya ng Kapamilya Online World.

Sinasabi tuloy ng marami na tila taliwas ito sa naging pahayag ni Ogie na ayon sa kanya umanong source, hiwalay na ang LizQuen.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kung sila pa rin. Kung ang meaning ng sinabi sa inyo ni Enrique Gil ay sila pa rin. O edi sinungaling ang source ko," ani Ogie.

"At okay na sila pa rin. Ako ha, sakin ha kilala ko naman sila na nagmamahalan sila pero siyempre noong maghiwalay kami wala na kaming connect. Pero kung yan ang sinabi ni Enrique, at yan ang pakahulugan sa inyo, o edi isipin natin na sila pa rin," dagdag pa niya.

Read also

Geraldine Roman kay Pura Luka Vega: "What If, I parody your mom how would you feel?"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Enrique Mari Bacay Gil ay isang Filipino actor, dancer, entrepreneur, at commercial model. Siya ang naging ka-love team at real life partner ni Liza Soberano. Sa ngayon, nasa ilalim na siya ng pangangalaga ni Ranvel Rufino at nananatili pa ring Kapamilya si Enrique.

Matatandaang gumawa ng ingay ang LizQuen partikular na si Liza Soberano nang lumabas ang "This is Me" vlog niya na naging hudyat ng kabi-kabilang rebelasyon tungkol sa kanya at sa kanilang love team noon ni Enrique.

Matatandaang, minsang naging kontrobersyal ang pinakahuling interview ni Liza sa isang Korean talk show kung saan nabanggit niya ang tungkol sa mga love teams sa Pilipinas.

Kapansin-pansin na hindi niya umano nabanggit na mula siya sa isang love team, at naging boyfriend pa niya umano ang nakapareha.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel