Alex Gonzaga, nawindang nang manghingi ng cellphone si Mela sa kanyang challenge

Alex Gonzaga, nawindang nang manghingi ng cellphone si Mela sa kanyang challenge

- Nawindang si Alex Gonzaga sa sinabi ni Mela na gusto niyang hingiin sa kanyang ninang

- Sa kanyang vlog ay sumabak sa Can't Say No challenge si Alex kung saan hinayaan niya ang mga inaanak na mamili ng gusto nila

- Ani Alex kinakabahan siya baka manghingi daw ito ng iPhone at sinagot naman siya ni Mela na iyon nga ang gusto niya

- Katwiran naman ni Mela, sinabihan daw sila na pahirapan nila ang kanilang ninang Alex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nawindang si Alex Gonzaga nang sabihin ni Mela na iPhone ang gusto niyang ipabili. Ito ay nang sumabak siya sa Can't Say No Challenge kasama ang kanyang mga inaanak na sina Mela at Stela.

Alex Gonzaga, nawindang nang manghingi ng cellphone si Mela sa kanyang challenge
Alex Gonzaga, nawindang nang manghingi ng cellphone si Mela sa kanyang challenge
Source: Youtube

Sa naturang vlog ay dinala ni Alex ang mag-iina sa mall para makapamili sila ng kanilang mga gusto.

Read also

Claudine Barretto, naniniwalang bad influence ang kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago

Ani Alex kinakabahan siya baka manghingi daw ito ng iPhone at sinagot naman siya ni Mela na iyon nga ang gusto niya. Katwiran naman ni Mela, sinabihan daw sila na pahirapan nila ang kanilang ninang Alex

Marami ang naaliw sa kakulitang ito ni Alex kasama ang mag-iina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mabait SI melai kaya pati anak sobrng bait din natural Ang ugali .nkktuwa Yung friendship niyo true friendship talag
Salute to Melai for raising her kids na maging greatful and thankful for everything. Nakakatuwa talaga 'tong mga batang to.
Nakakatuwa magkasama na naman kayo. Fave ko kayo. Saya ng mga bata sa maagang pamasko. Iba ka talaga AG. I love Gonzaga sisters!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Melai Francisco, aminadong pinagseselosan umano si Ivana Alawi

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel