Anne Curtis, naiyak sa mga sinabi ng isang contestant sa Mini Miss U

Anne Curtis, naiyak sa mga sinabi ng isang contestant sa Mini Miss U

- Hindi napigilan ni Anne Curtis ang kanyang emosyon dahil sa mga sinabi ng isang contestant sa Mini Miss U

- Sa pagsasadula ni Vice Ganda at ng contestant, marami ang bumilib sa mga sinabi nito kay Vice

- Ani Anne, napaka-pure ng puso ng bata at kung lahat daw ay kagaya sa kanya ay walang hatred sa mundo

- Pinuri din ni Anne ang magulang ng bata dahil sa magandang aral na itinuturo nila sa bata

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging emosyonal si Anne Curtis sa mga sinabi ng isang contestant sa Mini Miss U. Ani Anne, napaka-pure ng puso ng bata at kung lahat daw ay kagaya sa kanya ay walang hatred sa mundo.

Anne Curtis, naiyak sa mga sinabi ng isang contestant sa Mini Miss U
Anne Curtis, naiyak sa mga sinabi ng isang contestant sa Mini Miss U (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Isinadula nina Vice Ganda at ng contestant na si Annika ang eksena kung paano niya papalakasin ang loob ng kaibigan niya na natakot mag-perform dahil kinakabahan.

Read also

Vice Ganda sa chant ni Anne Curtis: "Ang ganda nung chant, pang-Poblacion"

You should get over your fear and then after you get over your fear you'll not be scared of that fear anymore.

Pinakalma din nito si Vice Ganda na kunwari ay kinakabahan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

How about if I go on the stage first and I start singing the first part and then if you feel safe to do it you can come with me.

Si Anne Curtis Smith-Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Kris Aquino sa pagbabalik ng mga anak sa piling niya: "Muling nabuo kaming tatlo"

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate