Valerie Concepcion at asawa niya, ibinahagi ang gender reveal video nila
- Ibinahagi ni Valerie Concepcion ang kanilang gender reveal video para sa kanyang pinagbubuntis na anak nila ng asawang si Francis Sunga
- Makikita sa video ang mag-asawa na nakaupo at naka-blindfold habang may nilalagay na pintura sa kanilang mga kamay
- Parehas nila itong ipinahid sa mukha ng isa't-isa habang hindi pa rin tinantanggal ang kanilang mga piring
- Nang tanggalin ang takip ng kanilang mata ay hindi nila maitago ang kasiyahan na malamang lalaki ang kanilang magiging anak
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinahagi ni Valerie Concepcion ang gender reveal video nila na kinuhanan ng Nice Print Photography. Hindi maitago ng mag-asawang Valerie at Francis Sunga ang kanilang tuwa na sa wakas ay malaman ang gender ng kanilang anak.

Source: Instagram
Makikita sa video ang mag-asawa na nakaupo at naka-blindfold habang may nilalagay na pintura sa kanilang mga kamay. Parehas nila itong ipinahid sa mukha ng isa't-isa habang hindi pa rin tinantanggal ang kanilang mga piring. Masaya sila na makitang asul ang pintura na nangangahulugang lalaki ang kanilang anak.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
This gender reveal is so much better. So simple yet meaningful. Yehey! Baby Boy! Congratulations! So happy for you!
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
aaww It's a BOY ValerieNatics Fam is very excited to see our baby brother! We love you so much
Yay!!!!! Baby boy!!! Congratulations to you both!!! Yay nanalo team BOY @franchise_33
Si Valerie Norona Galang-Sunga ay isang actress, television host, at endorser. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Nora Ferrer sa seryeng Sinasamba Kita.
Kamakailan ay nagdiwang ng ika-18 na kaarawan ang anak ni Valerie na si Heather. Isang bonggang party ang idinaos upang ipagdiwang ang 18 kaarawan ni Heather. Binahagi ni Valerie ang ilang mga pictures na kuha ng Nice Print Photography. Sa kanyang post ay nagbahagi si Valeri ng kanyang mensahe para sa anak.
Naibahagi din ni Valerie ang paggunita nila ng kanyang mister na si Francis Sunga ng kanilang ika-tatlong taon. Binahagi ni Valerie ang ilang pictures sa kanilang pagdiriwang. Kalakip ng mga pictures ay nagbahagi din siya ng taos-pusong mensahe. Pinagpasalamat niya na dumating sa buhay niya si Francis.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh