Tuesday Vargas: "Mas mainam na ang taong bao ang kokote kesa bulok ang puso"

Tuesday Vargas: "Mas mainam na ang taong bao ang kokote kesa bulok ang puso"

- Sinagot ni Tuesday Vargas ang patutsada ni Rendon Labador na wala umano itong pakialam sa mga emosyon nila at gusto lang daw niyang tumalino ang mga tao

- Isa-isang inilahad ni Tuesday ang kanyang saloobin kaugnay dito kabilang na ang aniya'y delusions of grandeur ng taong kanyang tinutukoy

- Aniya, dapat ay unahin muna nitong tulungan ang sarili na magkaroon ng clarity at common decency bago siya magpayo sa iba

- Dagdag pa ni Tuesday, mas mainam na ang taong bao ang kokote kesa bulok ang puso

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Tuesday Vargas ng kanyang saloobin at opinyon matapos siyang i-tag ni Rendon Labador sa pahayag nito kung saan sinabi ni Rendon na wala siyang pakialam sa mga emosyon nila.

Aniya, dapat ay unahin muna nitong tulungan ang sarili na magkaroon ng clarity at common decency bago siya magpayo sa iba.

Read also

Joey De Leon: "Kahit ano pang pangalan niyan, sana'y tangkilikin niyo pa rin kami"

Tuesday Vargas: "Mas mainam na ang taong bao ang kokote kesa bulok ang puso"
Tuesday Vargas: "Mas mainam na ang taong bao ang kokote kesa bulok ang puso" (@tuesday_v)
Source: Instagram

Inisa-isa inilabas ni Tuesday ang puntong gusto niyang ilahad bilang sagot sa sinabi ni Rendon na gusto lang nito na tumalino daw ang mga tao.

Ani Tuesday sa usaping patalinuhan ay masasabi niyang ang tunay na matalinong tao ay nauunang gamitin ang isip bago ang bibig.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binanggit din nito ang tungkol sa kawalan ng empathy.

Kung wala kang paki alam sa emosyon ng mga taong nililibak mo, yan ay reflection sa pagkatao mo at hindi sa iba.
Tahimik kong papanoorin ang galaw mo dahil kampante akong hindi issue ito ng katalinuhan talaga. Mas mainam na ang taong bao ang kokote kesa bulok ang puso.

Si Tuesday Vargas o Marizel Sarangelo-Placido ay isang Filipina singer, actress, comedian at isa sa judge ng Talentadong Pinoy sa TV5.

Read also

"I'm not your mother prank" ni Melai Cantiveros, hindi umobra sa mga anak na sina Mela at Stela

Matatandaang sumagot si Rendon Labador sa mga nagtanggol kay Michael V kasunod ng kanyang pahayag. Muli niyang iginiit na laos na daw ang mga artistang ito at wala raw siyang pakialam. Aniya, kahit magkampihan pa silang lahat at dapat daw tanggapin na nila ang katotohanan. Matatandaang nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng pahayag ni Rendon laban kay Michael V kaugnay sa pahayag nito tungkol sa dapat matutunan ng mga content creator.

Kamakailan ay sinagot ni Tuesday ang komento ni Valentine Rosales kaugnay sa pahayag ni Rendon kamakailan. Sa isang social media post ng isang online news site, sinabi ni Valentine na hindi daw dapat makialam si Tuesday dahil aniya ay laos na rin ito. Dagdag pa niya, kung makikisawsaw daw si Tuesday sa isyu ay kakampihan niya raw si Rendon. Nilinaw naman ni Tuesday na wala siyang inaaway at kaya lamang siya apektado ay dahil nakatrabaho at nirerespeto niya si Michael V kagaya ng maraming kagaya niyang mga aartist.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate