Alex Gonzaga, ibinida ang kanyang shopping sa Europe kasama ang asawa

Alex Gonzaga, ibinida ang kanyang shopping sa Europe kasama ang asawa

- Kinaaliwan ang video ni Alex Gonzaga kung saan pinakita niya ang pamamasyal nila ni Mikee Morada sa Europe

- Sa kanyang bagong vlog ay ibinida niya ang kanyang pag-shopping habang sila ay nagbabakasyon

- Marami ang naaliw sa kanilang dalawa na matatandaang kamakailan ay pumuta sa Amsterdam

- Agad na umani ng mga komento ang bagong vlog na binahagi ni Alex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video ni Alex Gonzaga kung saan pinakita niya ang pamamasyal nila ni Mikee Morada sa Europe. Sa kanyang bagong vlog ay ibinida niya ang kanyang pag-shopping habang sila ay nagbabakasyon.

Alex Gonzaga, ibinida ang kanyang shopping sa Europe kasama ang asawa
Alex Gonzaga, ibinida ang kanyang shopping sa Europe kasama ang asawa (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Marami ang naaliw sa kanilang dalawa na matatandaang kamakailan ay pumuta sa Amsterdam. Agad na umani ng mga komento ang bagong vlog na binahagi ni Alex.

Nagpasalamat si Alex na dahil kay Mikee ay nakakapag-isip-isip siya at aniya ay hindi siya nabudol. May mga nabili siya pero may mga hindi siya nabili dahil sa payo ng asawa niya na pag-isipan muna niyang mabuti.

Read also

Vice Ganda, kinilabutan sa jackpot winner ng 'Isip Bata'

Narito ang ilang komento:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bagay n bagay tlga cla ni councilor mikee... very supportive husband parehong masayahin at kalog... bagay n bagay din c toni at sir paul kc parehong seryoso s buhay hehehe
Yown, may vlog na ulit. Thank you ate Alex for making me happy kahit apakasakit ng ulo ko ngayon
Habang ng patience ni Micky hehehe gnun tlga luv nya si Alex eh happy for you guys

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel