Sandara Park, namangha dahil hindi pa rin nakakalimutan ng mga Pinoy: "I’m so happy"

Sandara Park, namangha dahil hindi pa rin nakakalimutan ng mga Pinoy: "I’m so happy"

- Ayon kay Sandara Park ay nagugulat siya na kilala pa rin siya sa Pilipinas kahit matagal na siyang wala sa bansa at hindi na rin lumalabas sa TV

- Sa lahat ng lugar kagaya ng mall, restaurant, market at ibang lugar na kanyang napuntahan ay kilala pa rin daw siya halos lahat ng generation

- Agad namang nag-trend sa Twitter ang "Pambansang Krung Krung" kasunod ng post na ito ni Sandara dahil marami ang naghayag ng kanilang pag-alala sa KPop star

- Sa naunang post ni Sandara, naibahagi niyang kasalukuyan siyang nasa Clark, Pampanga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ikinamangha ni Sandara Park na kahit matagal na daw siyang wala sa Philippine TV shows ay kilala pa rin siya ng halos lahat ng generation. Aniya, kahit saan siya magpunta ay kilala siya na kanyang ikinatuwa.

Sandara Park, namangha dahil hindi pa rin nakakalimutan ng mga Pinoy: "I’m so happy"
Sandara Park, namangha dahil hindi pa rin nakakalimutan ng mga Pinoy: "I’m so happy" (@daraxxi)
Source: Instagram
Question! Pano nyo ba ako naalala hanggang ngayon kahit matagal nako wla sa Phil. Tv show. Sa halos lahat ng generation, naalala pa nila ako. Kahit sa mall, sa market, sa restuarant, sa lahat ng places:star-struck: kakagulat hehe I’m so happy!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad namang nag-trend sa Twitter ang "Pambansang Krung Krung" kasunod ng post na ito ni Sandara dahil marami ang naghayag ng kanilang pag-alala sa KPop star. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Hindi ka makalimutan ng mga Pinoy Sandy kase lagi mo rin kaming naaalala at binabalikan.
May makakalimot ba naman sa Pambansang KrungKrung? Institusyon ka dito te. Ang kalimutan ka ay matuturing na disrespect!
Dahil ‘yung mga minahal noon ay naaalala talaga hanggang ngayon

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004.

Kamakailan ay kinaaliwan ang binahaging pictures at video ni Sandara na kuha sa kanyang pagpunta sa Dubai kamakailan. Makikita ang kanyang reaksiyon sa makapigil hiningang pag-slide niya sa Sky Views sa Dubai. Gawa sa salamin ang ilang bahagi ng sahig at maging ang slide kung saan siya nagpadausdos pababa kaya hindi napigilang mapasigaw ni Sandara. Sa isang picture ay napagapang pa ito sa salamin na sahig kung saan makikita kung gaano kataas ang kanyang kinaroroonan.

Kamakailan ay ibinida ni Sandara ang kanyang awiting "In or Out" sa kanyang Instagram post. Makikita ang K-Pop superstar na sumasayaw sa saliw ng awiting kanyang pinasikat matapos niyang maging bahagi ng Star Circle Quest. Marami naman ang naaliw at natuwa sa ginawang ito ni Sandara dahil sa kabila ng kasikatan ay hindi ito nakakalimot. May mga nagmungkahi pang dapat gawing Global Tourism Ambassador for the Philippines si Sandara.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel