Bobby Ray Parks, pinagtanggol si Zeinab Harake sa alegasyon ng babaeng dating nauugnay sa kanya

Bobby Ray Parks, pinagtanggol si Zeinab Harake sa alegasyon ng babaeng dating nauugnay sa kanya

- Sinagot ni Bobby Ray Parks ang post ng babaeng dating nakakausap niya na naglabas ng saloobin matapos mag-post ng basketbolista ng pictures nila ni Zeinab

- Nilinaw ni Bobby na hindi umano naging sila at binahagi pa niya ang mensahe ng naturang babae kay Zeinab na nagsasabing hindi naman sila magkarelasyon

- Kinuwestiyon din niya kung bakit ngayon lang daw ito nagsalita gayong matagal naman nang napapabalita ang tungkol sa panliligaw niya kay Zeinab

- Sa kasalukuyan ay hindi na nakikita ang post na ito laban sa dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinagtanggol ni Bobby Ray Parks si Zeinab Harake matapos mag-viral ang post ng babaeng ayon kay Bobby ay hindi naman niya naging karelasyon. Nilabas din ni Bobby ang screenshot ng mensahe nito kay Zeinab na nagsasabing hindi naman sila magkarelasyon ng basketbolista.

Read also

Tito Sotto, idinetalye ang mga naganap sa Eat Bulaga noong May 31

Bobby Ray Parks, pinagtanggol si Zeinab Harake sa cheating issue
Bobby Ray Parks, pinagtanggol si Zeinab Harake sa cheating issue (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Tanong pa ng basketbolista, bakit ngayon lang nito naisipang mag-post gayong matagal nang napapabalita ang tungkol sa kanyang panliligaw.

Sa post ng babae ay pinuna nito si Zeinab kung bakit tinuloy nito na makipagrelasyon kay Ray gayong alam daw nito na parehas silang niloloko.

Total d na nag reply sakin Zeinab Harake. Asan ang salit mo di mo kaya makasakit ng tao? Kala ko maayos ka kausap kaplastikan pala yun?

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakasikat na social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee at nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan silang naghiwalay.

Kamakailan ay biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binanggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Read also

Tyronia Fowler, may kundisyon bago magkaroon ng kapatid: "Kasal muna po"

Ibinahagi ni Zeinab ang picture niya kasama ang basketbolistang si Bobby Ray Parks. Makikita sa binahagi niyang Instagram story na magkahawak kamay sila. Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang komento ni Bobby sa post ni Zeinab kung saan sinabi nito na sana sagutin na siya ni Zeinab. Bago ito ay nagbahagi ang basketbolista ng video kung saan may nilalagay siya sa buhok ni Zeinab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel