Xyriel Manabat, binahagi ang DM ng netizen na nagkomento tungkol sa bf niya

Xyriel Manabat, binahagi ang DM ng netizen na nagkomento tungkol sa bf niya

- Ibinahagi ni Xyriel Manabat ang screenshot ng direct message ng isang netizen na nagsabing hindi bagay sina Xyriel at ang kanyang boyfriend

- Sinagot ito ni Xyriel at sinabihang hindi din sila bagay ng ama ng kanyang baby

- Sa kanyang binahaging screenshot ng dm sa kanya, sinabi ng naturang netizen na dinamay daw nito ang kanyang baby

- Sagot naman ni Xyriel, nagkomento ito publicly kaya dapat ay handa ito sa consequence ng kanyang ginawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Xyriel Manabat ang komento ng isang netizen tungkol sa kanila ng kanyang boyfriend. Sinabi ng netizen na ito na hindi sila bagay.

Xyriel Manabat, binahagi ang DM ng netizen na nagkomento tungkol sa bf niya
Xyriel Manabat, binahagi ang DM ng netizen na nagkomento tungkol sa bf niya
Source: Instagram

Kasunod nito ay nag-dm sa kanya ang naturang netizen at sinabing dinamay pa daw ni Xyriel ang anak niya nang sagutin siya nito na hindi din sila bagay ng 'baby daddy' niya.

Read also

Anne Curtis, walang bulol moment sa It's Showtime ngayong araw: "I'm so happy! I did it!"

Sagot naman ni Xyriel, nagkomento ito publicly kaya dapat ay handa ito sa consequence ng kanyang ginawa. Aniya, dinamay din naman nito ang boyfriend ni Xyriel sa kanyang pagkomento.

Xyriel Manabat, binahagi ang DM ng kanyang basher na sinagot niya
Xyriel Manabat, binahagi ang DM ng kanyang basher na sinagot niya
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Xyriel Manabat o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang ibahagi ni Xyriel ang ilang pictures niya sa kanyang 18th birthday. Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan, bumuhos ang pagbati hindi lamang mula sa mga tagahanga niya kundi mula sa mga kasamahan niya sa industriya. Hindi man siya aktibo sa showbiz ng ilang taon, nanatiling hot topic si Xyriel lalo na nang mag-viral ang kanyang mga pictures.

Read also

Xyriel Manabat: "Need po ba talagang i-display and di hinihinging opinyon lalo na po baluktot"

Sa social media post ni Xyriel kung saan sinabi niyang nagawa niya ang isa sa kanyang 2021 bucketlist, marami ang nag-tag kay Senyora. Dahil dito ay nag-react si Senyora at makikita ang kanyang "angry" react sa post ni Xyriel sa Facebook. Kasunod nito ay ibinahagi niya ang komento ni Xyriel kaugnay sa kanyang mensahe tungkol sa kung paano nabago ang kanyang pananaw sa aktres. Aniya, paborito daw niya ito dati sa seryeng "100 Days to Heaven" ngunit hindi na daw niya ito paborito si Xyriel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel