Ethel Booba, napaniwala si Chef Jessie sa kanyang 'Layas Prank'

Ethel Booba, napaniwala si Chef Jessie sa kanyang 'Layas Prank'

- Muling napaniwala ni Ethel Booba ang kanyang partner na si Chef Jessie sa kanyang prank

- Pinaniwala niya itong umuwi na silang mag-ina sa Maynila at iniwan nila ito sa kanilang tinutuluyan sa Boracay

- Sa kanyang text ay nagkunwari si Ethel na ikinasama ng loob niya ang pag-inom umano ni Chef kahit pa red wine lang naman daw ang iniinom nito

- Kasalukuyang namamalagi sa Boracay ang mag-anak dahil doon nagtatrabaho si Chef Jessie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang 'Layas Prank' ni Ethel Booba sa kanyang partner na si Chef Jessie Salazar. Pinaniwala niya itong umuwi na silang mag-ina sa Maynila at iniwan nila ito sa kanilang tinutuluyan sa Boracay.

Ethel Booba, napaniwala si Chef Jessie sa kanyang 'Layas Prank'
Ethel Booba, napaniwala si Chef Jessie sa kanyang 'Layas Prank' (Ethel Booba/Youtube)
Source: Youtube

Bago pa makauwi si Chef sa kanilang tinutuluyan ay kinuhan ni Ethel ang kanilang gamit at pinatago sa katabi nilang unit para mas kapani-paniwala umano.

Nang malaman ni Chef na prank lamang ang lahat, hindi naman ito nagalit ngunit aniya ay napagod siya.

Ayon naman kay Ethel, may nakahanda na itong red wine para sa kanya at doon sila sa hotel matutulog. Aniya, kailangan din ni Chef ng pahinga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ethel Gabison o mas kilala bilang si Ethel Booba ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition. Naging bahagi din siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2.

Matatandaang pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak sa kaibigang si Ethel matapos niyang makita ito sa unang pagkakataon. Dinala nila ang bata sa toy store at si Vice ang nagbayad sa lahat ng laruan na nagustuhan ni Michaela. Umabot sa P124,000 ang kanyang binayaran sa mga laruan na napili ng anak ni Ethel. Umabot naman sa P192,000 ang kanyang binayaran sa mga damit na kanilang pinamili.

Samantala, nabanggit ni Vice Ganda na sakit umano talaga ng ulo nilang magkakaibigan si Ethel. Naranasan pa umano niyang patirahin si Ethel sa kanyang condo ngunit pinagtatapon umano nito ang mga gamit niya dahil nagalit sa kanya. Natawa naman si Ethel at hindi pinagkaila na ginawa niya iyon kay Vice Ganda dahil matutulog na umano siya at wala pa si Vice. Para naman sa asawa nitong si Chef Jessie, masinop at maayos na asawa si Ethel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel