Jennica Garcia, nagsimula raw ang healing nang maramdamang kaya niya mag-provide

Jennica Garcia, nagsimula raw ang healing nang maramdamang kaya niya mag-provide

- Nabahagi ni Jennica Garcia sa panayam ni Luis Manzano sa kanya ang kaugnay sa kanyang pagbabalik showbiz

- Natanong din ni Luis ang tungkol sa nag-viral na kwento tungkol sa post niya kung saan nakabili siya ng aircon

- Aniya, naiyak siya nang nasa lock in taping siya dahil naka-aircon siya at naiisip niya ang mga anak niya

- Ayon pa kay Jennica, pakiramdam niya ay nagsimula ang kanyang healing mula sa sakit dahil sa paghihiwalay nila ng asawa nang maramdaman niyang kaya niya mag-provide para sa mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabahagi ni Jennica Garcia sa panayam sa kanya ni Luis Manzano na naiyak siya sa lock-in taping dahil naka-aircon siya. Naiisip daw niya ang mga anak niya sa bahay nila na naka-electric fan lang.

Read also

KC Concepcion, ibinahagi ang last memory niya na makitang magkasama ang mga magulang

Jennica Garcia, nagsimula raw ang healing nang maramdamang kaya niya mag-provide
Jennica Garcia, nagsimula raw ang healing nang maramdamang kaya niya mag-provide
Source: Youtube

Kaya naman, nakapag-post siya nang sa wakas ay nakabili na siya ng aircon para sa kanila.

Ayon pa kay Jennica, pakiramdam niya ay nagsimula ang kanyang healing nang maramdaman niyang kaya niya mag-provide para sa mga anak

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Paye Galang, naiyak nang malamang buntis ang ate: "Sana nagpakumbaba na lang ako"

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel