Jennica Garcia, emosyonal nang sorpresahin siya ng inang si Jean Garcia
- Emosyonal si Jennica Garcia nang sorpresahin siya ng inang si Jean Garcia
- Ito ay sa media launch niya bilang endorser ng isang beauty brand
- Matagal daw silang hindi nagkitang mag-ina at hindi napigilan ng mag-ina na maiyak
- Inihayag ni Jean ang kanyang pagiging proud sa kanyang anak na bukod sa in-demand sa kasalukuyan bilang endorser ay mayroon ding regular na shows
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi napigilang maiyak ni Jennica Garcia nang makita niya ang ina matapos ang ilang buwan na hindi sila nagkikita. Inihayag ni Jean ang kanyang pagiging proud sa kanyang anak na bukod sa in-demand sa kasalukuyan bilang endorser ay mayroon ding regular na shows.

Source: Instagram
Sinorpresa ni Jean si Jennica sa media launch niya bilang endorser ng isang beauty brand.
Ani Jean, pinamamalaki niya si Jennica na bukod sa kanyang kagandahan ay hinahangaan din ngayon sa husay nito sa pag-arte.
Kabilang si Jennica sa mga bigating cast ng katatapos lang na seryeng Dirty Linen kung saan laging viral ang kanyang mga eksena.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.
Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also
Paye Galang sa gitna ng isyu sa pagdidisiplina ni Toni Fowler sa kanya: "Dami nyong hanash"
Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh