LJ Reyes, ipinasilip ang bahagi ng kanilang wedding planning

LJ Reyes, ipinasilip ang bahagi ng kanilang wedding planning

- Ipinasilip ni LJ Reyes sa kanyang Instagram story ang kanyang pakikipag-usap sa kilalang photography service provider sa mga celebrities

- Sa kanyang IG story ay makikita ang kanilang video call kasama ang sikat na makeup artist na si Mikka Marcaida at sa Nice Print Photography

- Kasama din niya ang kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista na kamakailan nga ay nag-propose sa kanya

- Matatandaang nag-viral ang post ni LJ kamakailan kaugnay sa kanyang engagement

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasama ni LJ Reyes ang kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista sa wedding planning na kanyang pinakita sa kanyang Instagram story. Makikita sa kanyang post ang kanilang pakikipag-usap sa makeup artist na si Mikka Marcaida at sa Nice Print Photography.

LJ Reyes, ipinasilip ang bahagi ng kanyang wedding planning
LJ Reyes, ipinasilip ang bahagi ng kanyang wedding planning (@lj_reyes)
Source: Instagram

Ni-repost ni LJ ang IG story ni Charisse Tinio ng Nice Print Photography. Matatandaang marami ang nabigla sa pagpost ni LJ kamakailan ng kanyang engagement pero ikinatuwa ng karamihan na masaya si LJ sa kabila ng kanyang pinagdaanan.

Read also

Alyssa Alvarez, kabilang sa sumalang sa Tawag ng Tanghalan

Matatandaang sa kanyang paglipat sa America kasama ang kanyang mga anak ay naging kalakip ang kanyang pagluha dahil sa paghihiwalay nila ng dating karelasyon.

LJ Reyes, ipinasilip ang bahagi ng kanyang wedding planning
LJ Reyes, ipinasilip ang bahagi ng kanyang wedding planning (@lj_reyes)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang natuwa at bumati kay LJ Reyes sa kanyang post kung saan binahagi niya ang picture niya kasama ang lalaking hindi pa niya pinapangalanan.

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyessa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tanghaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng "StarStruck".

Kamakailan ay binahagi ni LJ ang picture ng anak nila ni Paolo Contis na si Summer. Sa naturang picture, makikita si Summer na nasa park at nakangiti sa camera. Marami sa mga netizens ang nagkomento sa pagiging cute ng anak ni LJ. Matatandaang noong nakaraang taon ay tumulak papuntang New York ang mag-iinang LJ, Aki at Summer at doon na namalagi.

Read also

Sarah Geronimo, sinabing isa siyang maswerteng misis

Isang pagbati naman ang binahagi ni LJ para sa kaarawan ng panganay na anak niyang si Aki. Sa kanyang Instagram post, binahagi ni LJ ang mga litrato ng anak. Isang nakakaantig na mensahe ang kalakip ng kanyang mga pictures. Ani LJ, marami siyang natutunan kay Aki pagdating sa pagiging magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel