Dennis Padilla, may pelikula kasama ang anak ni Claudine Barretto na si Aryanna Barretto

Dennis Padilla, may pelikula kasama ang anak ni Claudine Barretto na si Aryanna Barretto

- Ibinida ni Claudine Barretto ang bagong pelikula ng kanyang Kuya Dennis Padilla at ng kanyang anak na si Quia Aryanna Barretto

- Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya ang picture nila kasama si Dennis at Aryanna

- Ang pelikulang "Magic Hurts" ay pinagbibidahan din nina Mutya Orquia

- Ani Claudine, proud siya sa anak at palagi lang siyang nakasuporta sa pag-abot nito ng pangarap niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binati ni Claudine Barretto ang anak niyang si Quia Aryanna Barretto sa bagong pelikula nito kasama si Dennis Padilla. Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya ang picture nila kasama si Dennis at Aryanna.

Dennis Padilla, may pelikula kasama ang anak ni Claudine Barretto na si Aryanna Barretto
Dennis Padilla, may pelikula kasama ang anak ni Claudine Barretto na si Aryanna Barretto (@claubarretto)
Source: Instagram

Ani Claudine, proud siya sa anak at mga kapatid ni Quia sa bago nitong achievement. Aniya, palagi lang siyang nakasuporta sa pag-abot nito ng pangarap niya.

Congratulations Quia ARYANNA @aryannabarretto You’re siblings and I are so proud of you. May all your dreams come true. We will be here to support you all the way. Keep on Shining

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang pelikulang "Magic Hurts" ay pinagbibidahan din nina Mutya Orquia.

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel