Claudine Barretto, nagpahiwatig tungkol sa pinagdadaanan: "Lalaban na ako"

Claudine Barretto, nagpahiwatig tungkol sa pinagdadaanan: "Lalaban na ako"

- Nag-post si Claudine Barretto ng isang makahulugang mensahe kaugnay sa aniya'y kakaharaping laban

- Wala itong binanggit kung ano ang kanyang laban na tinutukoy ngunit aniya ay tapos na siyang protektahan ang mga taong hindi pinangalanan

- Aniya, nawawala ang kanyang mga projects dahil sa dalawang taong ito at sa kanilang mga 'minions'

- Sa naturang post ay pinasalamatan niya ang tinawag niyang kanyang volleyball babies na binisita siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Claudine Barretto, nabanggit niya ang tungkol sa laban na aniya ay kanyang kakaharapin. Wala itong binanggit na pangalan ngunit, sinabi ni Claudine na nawawalan siya ng mga projects dahil sa dalawang taong ito at sa kanilang mga 'minions.'

Claudine Barretto, nagpahiwatig tungkol sa pinagdadaanan: "Lalaban na ako"
Claudine Barretto, nagpahiwatig tungkol sa pinagdadaanan: "Lalaban na ako" (@claubarretto)
Source: Instagram

Sa isang Instagram post ay pinasalamatan ni Claudine ang kanyang volleyball babies sa pag-comfort sa kanya.

Read also

Miss Grace sa 'move on' post ni PK: "You just admitted you've been cheating on me.."

A few days ago. I got a visit from my volleyball babies. I didn't want them to see me in pain because of certain issues and people who are taking me down again. As an ate to my volleyball babies I've to be strong for my little sisters just in case they need me.but they came in full force to embrace, pray for & pray with me.you my volleyball babies thank u for surprising me when I was starting to isolate & gain strength for the battle ahead.Kai @kaibaloaloa @ken_baloaloa thank you so much for the hugs & to comfort me.

Nabanggit niya rin na tapos na siyang protektahan ang mga taong hindi niya pinangalanan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

The battle that i'll be going through. I'm done protecting these people. The witch hunt begins. I've been losing projects left and right because of these two people and their minions. Lalaban na ako. #truepa

Read also

Lie Reposposa, ipinasilip ang kanyang bahay: "FINALLY MAY BAHAY NA AKO"

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Read also

Alex Gonzaga, ibinahaging may masakit na pinagdadaanan sila ng asawa

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel