Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinasilip ang kanilang masayang bakasyon kasama si Rosie

Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinasilip ang kanilang masayang bakasyon kasama si Rosie

- Pinakita ni Jessy Mendiola sa kanyang YouTube Channel ang kanilang bakasyon kasama ang anak nilang si Rosie

- Dinala nila ang anak sa lugar kung saan sila ikinasal na mag-asawa

- Ito din daw ang unang swimming pool experience ni Baby Rosie

-Ayon pa kay Jessie, ang huling punta nila doon ni Luis ay noong buntis pa lang siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Jessy Mendiola sa kanyang YouTube channel ang kanilang bakasyon ni Luis Manzano kasama ang anak nilang si Rosie. Dinala nila ang anak sa lugar kung saan sila ikinasal na mag-asawa.

Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinasilip ang kanilang masayang bakasyon kasama si Rosie
Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinasilip ang kanilang masayang bakasyon kasama si Rosie (@jessymendiola)
Source: Instagram

Ito din daw ang unang swimming pool experience ni Baby Rosie at ayon sa kanila ay talagang na-enjoy ng anak nila ang kanyang swimming experience.

Ayon pa kay Jessie, ang huling punta nila doon ni Luis ay noong buntis pa lang siya.

Read also

Vice Ganda sa chant ni Anne Curtis: "Ang ganda nung chant, pang-Poblacion"

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na aliw na aliw sa kanila:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Yung bawat giggles ni Peanut, mapapangiti ka talaga eh. Napakaganda talaga.
Ang vlog ni Jessy Mendiola ay isang obra na puno ng kagandahan, nagpapalakas ng loob at nagbibigay ng inspirasyon.
The paawa face ni Peanut is very effective naman . Super duper cute ng baby ❤❤❤ Pwede na to isabak sa acting roles

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Luis Manzano sa pagkanta ni Anne Curtis kay Peanut: "First time ko nakita naguluhan anak ko"

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel