Ivana Alawi, kinaaliwan sa vlog ni Dra. Vicki Belo nang magpunta sila sa Italy
- Kinaaliwan si Ivana Alawi sa bagong vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan nagkasama sila sa Italy
- Kasama ni Ivana ang kanyang mga kapatid, ang kanyang ina at pati na rin ang girlfriend ni Hash Alawi
- Hindi naman inatrasan ni Ivana ang hamon na ipakilala siya ni Hayden sa lalaking kanyang mahanap doon
- Hindi naman maiwasan ni Ivana na mahiya nang unang may lumapit sa kanya at binigyan siya ng bulaklak
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan si Ivana Alawi sa pinakabagong vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan nagkasama ang kanilang pamilya sa Italy. Hindi naman inatrasan ni Ivana ang hamon na ipakilala siya ni Hayden sa lalaking kanyang mahanap doon.

Source: Instagram
Mismong si Hayden Kho ang naghanap ng lalaking kanyang ipapakilala kay Ivana. Siya din ang nagbigay ng bulaklak sa taong napapayag niyang makipagkilala kay Ivana.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
Ang saya lang! i like how game na game silang dalawa sa kakulitan ni Ivana!
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kakatuwa na alala ko mga friend ko kapag nasa ibang lugar kahit may mga jowa hanap talaga ng pogi
Ang sarap kabonding ni Dra, Belo, super bait
Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.
Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban. Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan. Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban.
Binahagi ni Ivana sa vlog niya kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama. Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa. Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo. Ani Ivana, makakatanggap ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh